
Ipinakilala na ni Kuya sa mga manonood ang Kapuso at Kapamilya stars na official housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Labing apat na celebrities mula sa GMA at ABS-CBN ang pumasok na sa iconic house nitong Linggo, March 9, upang doon pansamantalang manirahan nang magkakasama.
Bukod sa makikilala nila ang ugali at personalidad ng isa't isa, makatatanggap sila ng tasks mula kay Big Brother na tiyak na susubukin ang kanilang mga diskarte at abilidad.
Kilalanin ang bagong mga miyembro ng pamilya ni Kuya sa gallery na ito.