PANOORIN: Bilyon-bilyon ang pondo para sa flood control projects. Bakit baha pa rin?

10 hours ago 3
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

 Bilyon-bilyon ang pondo para sa flood control projects. Bakit baha pa rin?

Bilyon-bilyon na ang nagastos sa flood control projects, pero tuwing umuulan, lubog pa rin ang Pilipinas. Ulan ba talaga ang problema o ang sistema?

MANILA, Philippines – Matagal nang problema ang baha sa Pilipinas. May mga proyekto ang gobyerno para maibsan ito.

Magkano nga ba ang napupunta sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang flood management programs?

Panoorin ang report na ito ni Patrick Cruz.

TRANSCRIPT

Delubyo na ang pondong ibinuhos ng gobyerno sa flood control projects. Ang napala natin? Delubyo rin. 

Bilyon-bilyon kada taon ang budget para sa flood control. 

Ngayong 2025, higit P248 billion ang nakuhang budget ng DPWH para sa flood control.

Mula 2023 to 2025 sa ilalim ni President Ferdinand Marcos Jr.: P675 billion na ang total.

Sa panahon ni president Rodrigo Duterte (2017–2022): P612.28 billion.

Kay dating pangulong Noynoy Aquino (2011–2016): P181.7 billion.

Sa loob ng nakalipas na 15 taon, umabot na sa P1.47 trillion ang nailaan ng gobyerno para lang sa flood management ng DPWH.

Lahat ‘yan, pera ng bayan. Pera mo. Pera natin.

Malalim at matagal nang problema ang baha sa Pilipinas.

Kapag may baha, paralisado ang transportasyon, suspendido ang klase, apektado ang kabuhayan ng marami, maraming bahay ang lubog, at sa mga nakalipas na mga taon, daan-daan na ang namatay.

Maraming dahilan ang pagbaha. ‘Andyan ang problema sa basura, poor urban planning, at climate change. 

Flood control sana ang isa sa mga solusyon.

Bilyon-bilyon na ang nagastos sa flood control projects, pero tuwing umuulan, lubog pa rin ang Pilipinas. Ulan ba talaga ang problema o ang sistema?

Ano sa tingin mo? I-download ang Rappler Communities app (available sa webiOS, at Android) at sumali sa Liveable Cities channel at pagusapan natin. – Rappler.com

Reporter, writer, and video editor: James Patrick Cruz
Producer: Camille Zarate and Jaira Roxas
Supervising editor: Chay Hofileña
Supervising producer: Beth Frondoso

How does this make you feel?

Loading

Face, Head, Person

Read Entire Article