
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
This is a transcript of what justice reporter Jairo Bolledo says in the video
MANILA, Philippines – Naniniwala ba kayo kay Julie “Dondon” Patidongan?
Siya ‘yong whistleblower sa missing sabungeros case, from akusado to testigo.
Pahiram ng ilang minuto at i-dissect natin ang pagkatao ni Dondon.
Si Dondon ay tubong Mindanao.
Forty-five years old na siya ngayon. May partner at may dalawang anak.
Nagkasama sila ni Atong Ang sa business for 15 years.
Ayon mismo kay Atong ay farm manager niya itong si Dondon na may kontrol doon sa deployment at manpower operation ng farm ni Atong.
Covered ni Dondon bilang farm manager ‘yong mga farm sa Santa Cruz, Laguna, sa Lipa, Batangas, even ‘yong sa Santa Ana, Manila, kung saan nawala ‘yong anim na sabungero from Rizal noong 2022.
Dawit sa kasong ‘yan si Dondon, pero pag-usapan natin ‘yan mamaya in detail.
Tapos, itong si Dondon ay iniuugnay din siya sa isang beach property sa Surigao del Sur, pero hindi pa po proven ‘yan.
Although, ang tawag ng mga tao sa kaniya do’n ay “boss.”
Tumakbo si Dondon sa pagka-mayor ng Barobo, Surigao del Sur, pero natalo siya with less than 500-vote difference.
Sabi ng Senado no’ng 2022 ay itong si Dondon ay humarap sa kasong frustrated murder no’ng 2019, tapos no’ng 2020, for bank robbery naman, pero ‘yong mga kaso pong ‘yan ay dismissed na ayon sa Senado.
Ngayon, sa kaso ng missing sabungeros, bago siya naging whistleblower ay accused muna siya.
Dahil nga sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena, na ino-operate ng Lucky 8 Star Quest ni Atong Ang, ay nakasuhan si Dondon at lima pang security personnel for kidnapping and serious illegal detention.
Usually po, ang kidnapping ay non-bailable. Pero kung nagtataka kayo bakit laya itong si Dondon at mga kasama niya ay dahil nanalo sila sa petition for bail.
Long story short, nagkademandahan po ‘yan at ongoing pa ‘yong kaso nila for the petition for bail. Kaya, for the meantime ay laya muna sila.
Pero alam ‘nyo ba na sa hearing ng Senado, maraming witnesses ang nagsabi at nagturo kay Dondon bilang allegedly involved daw sa pagkawala ng mga missing sabungero.
Alam ‘nyo, may witness pa nga na magkapatid na nagsabi na si Dondon daw mismo ang nanakot sa kanila na ‘wag na daw silang mandaya doon sa laro o mangtyope.
Sa huli, dinemanda ng DOJ itong si Dondon at ‘yong lima niyang kasamahan na security personnel ng Lucky 8 Star Quest for kidnapping nga and serious illegal detention. Samantalang ‘yong Senado, ni-recommend na patuloy daw ‘yong investigation dapat kay Atong Ang at sa Lucky 8 Star Quest.
2022, 2023, 2024, 2025, three years later after niyang makasuhan, ay nagsasalita na nga itong si Dondon at idinadawit niya na ‘yong dati niyang boss na si Atong Ang bilang alleged mastermind dito sa missing sabungero case.
Pero itong si Atong, syempre may buwelta siya do’n sa dating empleyado, kaya nga siya nagsampa ng patong-patong na reklamong kriminal laban kay Dondon.
Sa affidavit ni Atong, pinagbibintangan niya itong si Dondon na bumuo raw ng plano para patayin siya at mag-extort ng money mula sa kanya.
Tapos itong certain Alan Bantiles na inireklamo din ni Atong ay nagbanta rin daw kay Atong.
Ang banta raw ni Bantiles ay idadamay daw si Atong sa missing sabungeros case kung hindi ibibigay ni Atong ‘yong demands ni Bantiles tsaka ni Dondon. Kabilang daw do’n ‘yong separation pay ni Dondon worth P300 million.
Sa ngayon, idinawit na rin ni Dondon ang 18 kapulisan dito sa missing sabungeros case. 12 diyan ay active personnel pa ng Philippine National Police.
Ang bintang ni Dondon, itong mga pulis daw na ‘to ay ginamit para ligpitin ang mga missing sabungeros.
From Atong’s perspective, itong mga revelations nga ni Dondon could be a way to blackmail lang si Atong at allegedly ay mang-extort ng pera mula sa kaniya.
Pero that’s Atong’s perspective, ha?
Pero sa perspective naman ni Dondon ay ginagawa niya ito para sa pamilya niya — sa kaniya mismo galing ‘yan.
At sa gitna ng akusasyon, mga alegasyon, mga bintangan nitong si Atong at si Dondon ay ‘yong mga pamilya ng nawawalang sabungeros.
Pero kung sila raw ang tataungin ay ray of hope at credible witness daw para sa kanila itong si Dondon.
Mayroon po kaming article version ng profile nitong si Julie “Dondon” Patidongan, puwede ‘nyo pong mabasa sa Rappler. – with research from LA Agustin/Rappler.com
Reporter, writer, video editor: Jairo Bolledo
Supervising editor: Lian Buan
Graphics: Marian Hukom
LA Agustin is a journalism and pre-law student from Bulacan State University. She is currently a Rappler intern.