
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Nakakatawa pero nakakainis din panoorin kung paano biglang galit na galit ngayon ang mga DDS sa mga PINK supporters—eh wala naman kaming kinalaman sa pagkakahuli ng "master" nila. Diba solid Uniteam kayo? Kayo ang nagluklok sa gobyernong ito, tapos ngayon, nung nagkatimbugan na, kami pa ang may kasalanan? Parang may ginawang kalokohan ang tropa nyo, pero kapitbahay ang sinisisi. Pambihira.
Kung tutuusin, dapat kayo-kayo ang nag-aaway ngayon. Binoto nyo sila, pinagtanggol nyo ng patayan sa comment section, tapos ngayon, nagkakalaglagan na, kami pa ang gusto nyong sisihin? Dapat kayo ang maningil sa mga iniluklok nyo sa pwesto. Sabi nyo noon, "unity" diba? O ayan, sama-sama nyong lasapin ang resulta ng pagkakamali nyo. Huwag nyo kaming idamay sa paniningil ng sariling kapalpakan.
Ganyan talaga ang buhay, hindi pwedeng habang panalo, bida kayo, pero pag talo, hanap agad ng ibang masisisi. Hindi kami ang nagbenta ng pangako sa inyo, hindi rin kami ang bumoto, kaya huwag nyo kaming idamay sa gulong likha ng sarili nyong paniniwala. Kayo na lang ang mag-away. Kami? Manonood na lang, may popcorn pa.