
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Usap-usapan ngayon sa social media ang kamakailan lang na pagkukuwento ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Xyriel Manabat tungkol sa kaniyang romantic relationship.
Mapapansin online na tila marami ang naka-relate matapos i-reveal ni Xyriel sa kaniyang housemates at sa publiko ang tungkol sa “no rule” type of relationship nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Nathaniel Toledo.
Ayon sa 21-year-old Kapamilya star, “Ngayon, sobrang laya ng boyfriend ko. Wala kaming rules… Wala talaga kaming gano'n kasi alam na niya 'yon. Matanda na siya. I just want to feel included sa plans niya or sa situations...”
Samantala, silipin ang sweet photos ni Xyriel Manabat at ng kaniyang partner sa gallery na ito.