Wowie de Guzman mourns death of UMD co-member Norman Santos

1 month ago 12

Malungkot na inilahad ni Wowie De Guzman ang pagpanaw ng kanyang dating kasamahan sa Universal Motion Dancers (UMD) na si Norman Santos.

Sa kanyang Facebook post noong Lunes, February 3, ibinahagi ni Wowie ang ilang mga larawan niya kasama ang dating ka-grupo.

Sa caption, isang madamdaming na mensahe ang kanyang sinulat para sa pumanaw na si Norman.

Aniya, UTOL....mahal na mahal ka namin.Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli..at the end of the day magkakapatid tayo.Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat..pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sayo Man..mahal na mahal ka namin...hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo...we love you Norman Santos UMD for Life...kitakits tayo nila Gerald sa finals ng buhay ko.”

Ang tinutukoy ni Wowie na Gerald ay si Gerard Faisan, isa ring dating miyembro ng UMD. Pumanaw siya noong 1997 sa edad na 23.

Ang pagpanaw ni Norman ay kinumpirma ng kanyang partner na si Chato Maria ngayong Miyerkules, February 5.

Ayon sa kanyang post, matagal nang may karamdaman sa kidney ang dating dancer.

“It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years. TENTATIVE Viewing will take place from February 12 to 16 @St Peter Memorial Chapel in Tabacuhan, Olongapo City,” sulat ni Chato sa kanyang Facebook post, kalakip ang larawan ng 52-year-old na si Norman.

Samantala, tingnan ang ilang pang kilalang dance groups dito:

Read Entire Article