Who is Pernilla Sjoö?

1 month ago 6

Usap-usapan ngayon sa social media ang foreigner na si Pernilla Sjoö matapos siyang ma-link sa kilalang surfer na si Philmar Alipayo, fiancé ng dating aktres na si Andi Eigenmann.

Hinala ng netizens, si Pernilla ang pinatatamaan ni Andi sa kanyang Instagram Stories tungkol sa isang taong nagtraydor sa kanya. Kaugnay umano ito sa lumabas ang larawan ng Swedish national na si Pernilla at ng Pinoy surfer na may matching tattoo na "224" o nangangahulugang "today, tomorrow, forever."

Inulan siya ng pamba-bash sa gitna ng umano'y hiwalayan nina Andi at Philmar kaya hindi niya napigilang masaktan dahil sa mga kritisismong kanyang natatangggap online.

Pakiusap ni Pernilla, huwag agad manghusga hangga't hindi alam ang buong pangyayari. "If you will be kind to me, and I assure you that I'll be kinder to you. Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don't," pahayag niya.

Marami ang na-curious kay Pernilla dahil sa isyu. Base sa mga impormasyon sa internet, isa siyang underwater photographer na na-in love sa Pilipinas kaya pinili niyang manirahan sa bansa mula pa noong 2013.

Bukod kina Andi at Philmar, malapit din siya sa iba pang Pinoy celebrities gaya ng mag-asawangsina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Naging kliyente rin niya ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

May background din siya sa pagma-manage ng hotels at kilala rin bilang mental health and wellness coach.

Kilalanin pa si Pernilla sa gallery na ito.

Read Entire Article