
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
Here's a simplified explainer of the rather complex political process of removing high-ranking officials from office
Here is a transcript of the video:
Ano ba ang impeachment?
Impeachment ang tawag sa kapangyarihan ng Kongreso na tanggalin sa puwesto ang isang public official kung gumawa siya ng krimen na labag sa Konstitusyon. Nagsisimula ito sa pag-file ng isang impeachment complaint, na kalaunan ay puwedeng humantong sa isang trial.
Himayin natin ‘yung proseso.
Tanging ang Congress, o ang legislative branch ng gobyerno, ang may power na mag-impeach ng isang opisyal. When we say Congress, we mean the House of Representatives and the Senate.
Sino-sinong opisyal ang puwedeng tanggalin via impeachment?
Ayon sa Article 11, Section 2, ng 1987 Constitution, ang mga opisyal na maaaring i-impeach ay ang presidente; bise presidente; mga miyembro ng Korte Suprema; mga miyembro ng constitutional commissions, na gaya ng Civil Service Commission, Commission on Audit, at Commission on Elections; at ang Ombudsman.
So bakit impeachment? Bakit ang mayor o barangay captain, hindi naman dumaraan sa impeachment kung kailangang tanggalin sa puwesto?
That’s because masyadong mahalaga ang mga tungkulin ng impeachable officials, kaya kailangang dumaan sa butas ng karayom ang kahit anong attempt na tanggalin sila sa puwesto.
Sa ano-anong krimen sila puwedeng ma-impeach? May anim na grounds for impeachment na binabanggit ang Konstitusyon:
- Culpable violation of the Constitution. Kabilang dito iyong pag-bypass sa kapangyarihan ng ibang sangay ng gobyerno o usurpation of powers, suppression of civil liberties, violation of due process, among other violations.
- Treason o pagtataksil sa bayan
- Bribery o pagtanggap ng suhol
- Graft and corruption o katiwalian
- Other high crimes o mabibigat na krimeng nagpapakita ng kawalang moralidad at integridad
- Betrayal of public trust
May dalawang stage ang impeachment: initiation at trial.
Ang House of Representatives lamang ang may kapangyarihang mag-initiate ng impeachment.
Paano?
Una, kailangan ng verified impeachment complaint para magkaroon ng kaso. Puwede ‘tong manggaling sa isang kongresista o kahit sa ordinaryong mamamayan, basta may endorsement ng isang kongresista.
Susuriin ng committee on justice ng House of Representatives kung sufficient in form and substance ang complaint. Hihingin nila ang panig nung akusado, at saka susuriin ulit kung may sufficient grounds ba na ituloy ang impeachment.
Kung tuloy, ililista na ang mga akusasyon. ‘Yun ‘yung tinatawag na Articles of Impeachment.
Tapos, pagbobotohan ‘yan ng mga miyembro ng House. At least one third ng members ang kailangang sumang-ayon sa impeachment para umandar ‘to at maipadala sa Senate.
At this point, matatawag nang “impeached” ang akusadong opisyal.
May isang possible short cut diyan na naaayon sa batas. If at least one-third ng House members ang mismong authors ng impeachment complaint, ‘matik nang magiging Articles of Impeachment ‘yon. Wala nang botohan. ‘Rekta nang ipapadala sa Senate.
Trabaho naman ng Senado na gawin ang trial o paglilitis.
Ang 24 members ng Senate ang tatayong impeachment court. Kaya nagiging senator-judges ang tawag sa kanila ‘pag ganito.
Ang Senate president ang magsisilbing presiding officer, maliban na lang kung ang presidente ng Pilipinas ang impeached. In that case, ang chief justice ng Supreme Court ang magiging presiding officer. Pero hindi siya boboto — ‘yung senators lang.
At least 16 senator-judges or two thirds ng Senado ang kailangan sumang-ayon para ma-convict ‘yung impeached official.
Conviction means guilty as charged.
What happens next?
Bukod sa tanggal siya sa puwesto, habambuhay din siyang disqualified from public office. Hindi na siya puwedeng tumakbo ulit sa kahit anong puwesto sa gobyerno.
Walang pardon ang impeachment conviction. Meaning, forever na ito.
Makukulong ba siya?
Depende ‘yan kung tutuloy ang kaso sa criminal proceedings sa isang court of law, gaya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft, plunder, at bribery.
‘Pag convicted ulit siya doon, then mapaparusahan siya. – Rappler.com
Researcher, writer, presenter (as “Teacher Rubilyn”): Ailla dela Cruz
Producer, director, video editor: JC Gotinga
Videographer: Naoki Mengua
Supervising editor: Chay Hofileña
Supervising producer: Beth Frondoso
How does this make you feel?
Loading