Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
Dahil pinanigan ng korte si Sotto, pinatatanggal na ngayon ang trailer ng pelikulang 'The Rapists of Pepsi Paloma'
MANILA, Philippines – Naipanalo ng komedyanteng si Vic Sotto ang kanyang petisyon para sa writ of habeas data laban sa kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap kumakailan.
Dahil pinanigan ng korte si Sotto, pinatatanggal na ngayon ang trailer ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma. Pero tuloy pa rin ang paggawa sa pelikula at ang nakatakdang pagpapalabas dito, base sa naging desisyon ng hukuman.
Ang writ of habeas data ay isang uri ng proteksyon na maaaring hingin sa korte. Kapag napagbigyan ang petisyon mo para sa writ na ito, maaaring ipag-utos ng korte ang pagsira sa impormasyon o data na nakaaapekto sa iyong buhay, kalayaan, seguridad, o maging privacy.
Hindi pa tapos ang pagtutuos ng dalawa dahil nakabinbin pa rin sa prosekusyon ang reklamong cyber libel na isinampa ni Sotto laban sa direktor.
Panoorin ang video para sa mas maraming impormasyon ukol sa writ ni Sotto laban kay Yap. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading