#WalangPasok: Araw ng Dabaw nakaligtaan ba ng Malacañang?

1 day ago 1

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

#WalangPasok: Araw ng Dabaw nakaligtaan ba ng Malacañang?

One Davao posters from Araw ng Dabaw Facebook; Duterte Rappler file photo; proclamation from Davao City FB

Inanunsiyo ito ng Palasyo nitong Huwebes lang, Marso 13 — tatlong araw bago ang nakaugalian na grand parade, o apat na araw bago ang walang-pasok day

Sa Lunes, Marso 17, non-working day sa Davao City, ang balwarte ni dating pangulong Rodridgo Duterte na pinamumunuan pa rin ng kanyang mga anak. Ang dahilan: Pumatak sa Linggo ang Araw ng Dabaw na Marso 16, kaya nalipat sa Lunes ang suspensiyon ng trabaho at klase. 

Dagdag na kalituhan pa — at least, sa mga nasa labas ng Davao City — ay ang batas na nagsasabing Marso 1 dapat ang Araw ng Dabaw. Katunayan, mismong si Duterte ang pumirma sa batas na ito noong pangulo siya — inilipat from March 16 to March 1 ang taunang pagdiriwang. 

Nitong nakaraang taon lang, Marso 1 ang nasa proklamasyon ng Malacañang para sa “special (non-working) day” ng siyudad kung saan dati ring alkalde si Vice President Sara Duterte.

inside track

Pero ang naging isyu ngayong 2025 ay ito: Antagal naghintay ng mga Dabawenyo kung may mae-enjoy silang non-working day kaugnay ng okasyong ito — mahigit isang buwan simula nang ipahatid nila sa Malacañang ang city council resolution na nagre-request ng proclamation. 

At inanunsiyo ito ng Palasyo nitong Huwebes lang, Marso 13 — tatlong araw bago ang nakaugalian na grand parade, o apat na araw bago ang walang-pasok day. 

Pebrero 28 pa lang, naglabas ng update ang official website ng Davao City government: “March 17 holiday — no confirmation from Malacañang yet.” Importanteng balita ito sa siyudad, katunayan ay pinick-up ng local media. 

Marso 10, ito ang update ng website ng city government: “𝐌𝐚𝐥𝐚𝐜𝐚ñ𝐚𝐧𝐠 ‘𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐩𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠’ 𝐜𝐢𝐭𝐲’𝐬 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 17 𝐡𝐨𝐥𝐢𝐝𝐚𝐲 𝐫𝐞𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭.” Kinarga rin ng local media ang balitang ito. 

Kaya naman siguro, nang sumunod na araw, pinirmahan na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pinakahihintay na proklamasyon. Opo, Marso 11 — ang araw na inaresto ng law enforcers ng Pilipinas si ex-president Duterte dahil sa request ng Interpol. 

Hindi tayo mag-eespekula tungkol sa ano naman ang iniisip ng Malacañang na itiniyempo sa Duterte arrest day ang much-awaited Araw ng Dabaw proclamation? Kung sinadya, bad taste; kung walang malisya, ang masasabi lang natin ay… Sa dami naman ng makakaligtaan sa panahong nagkakainitan at nagkakagirian ang administrasyon at kampo ng mga Duterte… 

Eniwey, napaaga man o nahuli ang Araw ng Dabaw non-working day proclamation, we guess it doesn’t matter to Davaoeños anymore. Nang dinakip ang kanilang dating mayor Digong para dalhin sa International Criminal Court, hindi maiiwasang ang annual thanksgiving day nila ay magkaroon na ng kulay na politikal. 

Ang selebrasyon, na nagsimula naman noong Marso 1, ay magtatapos sa Linggo, Marso 16, sa solidarity activities: solidarity walk sa umaga at susundan ng solidary night. 

Sabi sa update ng Araw ng Dabaw Facebook page, “Now, more that ever, we must stand as one!” 

These are not just events; it is a powerful statement. We celebrate for unity, for resilience, and for our shared future. We march not just with our feet, but with our hearts, voices, and a firm commitment to stand as one.

Let this moment be written in history — a testament to our city that stands together, no matter the challenges. Padayon ‘ta sa pagsaulog! After all, we are 88 years strong — One Davao! 

Nauna rito nagkaroon ng kalat-kalat na rally bilang suporta kay Duterte sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Ang inaabangan ng political observers: Magiging show of force kaya ang Araw ng Dabaw — two days after humarap si Duterte sa ICC? – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Avatar photo

Read Entire Article