
Isa rin ba kayo, mga Kapuso, sa mga nahilig sa notebooks kung saan bida ang mga sikat na artista?
Kung hindi n'yo naaalala ay minsan nang itinampok sa cover ng mga cute notebook ang ilan sa mga naglalakihang pangalan sa showbiz tulad nina Judy Ann Santos, Manilyn Reynes, Sandara Park, at John Lloyd Cruz.
Ang ilan dito ay may tema pa gaya ng pelikulang 'Harry Potter' at weather seasons na summer at winter.
Ilan din sa mga tampok sa cover ng notebooks noon ang mga paboritong palabas sa telebisyon gaya ng GMA shows na 'Encantadia' at 'Click.'
Let us all take a trip down memory lane at kilalanin ang mga sikat na minsa'y itinampok sa notebook covers.