
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
June 24 2025
By MARAH RUIZ
Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa award-winning film na Green Bones sa Netflix.
Naging available ang pelikula sa popular na streaming platform simula noong June 19. Napapanood din ito sa Pilipinas at maging abroad.
Agad namang umakyat at nanatili ang Green Bones bilang number one movie sa Netflix Philippines.
Lubos ang pasasalamat ng isa sa mga bida ng pelikula na si primetime action hero Ruru Madrid.
"Nakakatuwa na number 1 na sa Netflix Ph ang Green Bones at nasa Top 10 na din sa ibang bansa! Salamat po mg marami! Sana marami pa ang makapanood ng pelikula na ito," sulat ng aktor sa X (formerly Twitter) noong June 20.
Nakakatuwa na number 1 na sa Netflix Ph ang Green Bones at nasa Top 10 na din sa ibang bansa! Salamat po mg marami! Sana marami pa ang makapanood ng pelikula na ito. ????
— Ruru Madrid (@Rurumadrid8) June 20, 2025Nagbahagi rin siya ng ilang litrato nila ng co-star na si Kapuso Drama King Dennis Trillo mula noong una nilang pino-promote ang pelikula.
Makikita ditong nakasuot sila ng mga berdeng damit at umiinom ng green na inumin.
"Good times with Dom Saltik! #1 na ang Green Bones sa Netflix PH! Maraming salamat!" sulat ni Ruru sa Instagram na siya naman ni-repost ni Dennis sa sarili niyang account.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, inilahad ni Ruru na masaya siyang mapapanood ng mas maraming mga tao ang pelikula dahil sa streaming.
"Para po sa akin, ang Green Bones ay isang masterpiece na dapat pong makita, hindi lamang po dito sa ating bansa kundi sa buong mundo," bahagi niya.
Photo: rurumadrid8 (Instagram)
Ang Green Bones ay kuwento ng isang lalaki na makukulong dahil sa pagpatay sa kanyang kapatid at anak nito. Nang malapit na siyang mabigyan ng parole, makukuha niya ang atensiyon ng isang prison guard na gagawin ang lahat para manatili siya sa piitan.
Ang pelikula ay mula sa direksiyon ng multi-awarded filmmaker na si Zig Dulay, at isinulat nina National Artist for Films and Broadcast Arts Ricky Lee, at 2023 MMFF Best Screenplay winner Anj Atienza.
Humakot ito ng mga parangal sa 50th Metro Manila Film Festival, kabilang ang Best Picture, Best Actor para kay Dennis Trillo, Best Supporting Actor para kay Ruru Madrid, Best Screenplay para kina Ricky Lee at Anj Atienza, Best Cinematography para kay Neil Daza, at Best Child Performer para kay Sienna Stevens.
Available for streaming sa Pilipinas at worldwide ang Green Bones sa Netflix.