
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Hello, nung Friday, March 7, 2025, nakatanggap ako sa SY & Jae Corp with regards sa unpaid bill ko sa pldt nung September. Ang nangyari kasi is nagpakabit ako sa pldt para magkaroon ng secondary line ng internet samin, pero after a month ay nagLOS na agad ang status nung modem ni PLDT. So tinawag ko kay PLDT, at after ilang days ay may pumunta para ayusin yung line. Sinabi nung mga nag aayos is ang ginawa daw nung nag install sa amin ay may existing na line na binunutan nila at don kinabit yung saamin. Sabi nila irreport daw nila sa pldt, nireport ko rin sa pldt pero ganon pa rin ang nangyari. Ininsists ko sa pldt na tanggalin yung line kasi di ayos yung pagkakakabit pero iniinsists nila na tama daw yung pagkakainstall.
Tapos hanggang sa di na naayos yung line, at nagbill sila ng 2 months. Tas ngayon biglang nag email at nangungulit tong SY & Jae na magkakaso daw sila.
Ano kaya pwede kong gawin dito? Kung sakali bang kasuhan nila ako pwede ako magcounter na may malpractice sa during sa installation nila samin? At valid reason din ba na di ko sila bayaran para sa sinisingil nila sakin dahil di ko naman nagamit yung service nila? Salamat po sa sasagot.