Pia “POGO in Action” Cayetano: Kung Hindi Ka Man Managot, Mag-upgrade Ka Naman ng Troll Farm
Pia, kung magtatago ka sa likod ng troll farm, baka naman puwedeng mag-invest ka nang konti? Ang dali-dali nilang mahuli—20 friends, generic profile pictures, at mga script na parang binuo ng AI na tinamad. Kung ‘yan ang depensa mo sa katotohanang ikaw ang principal sponsor at author ng batas na nagpaulan ng POGO sa Pilipinas, medyo hindi sulit ang bayad mo sa kanila.
Pero Hindi Ba POGO ay Noong Duterte Pa?
Oo, nag-ugat ito sa panahon ni Duterte, pero alam mo kung sino ang nagbigay ng legal na selyo para dito? Si Pia Cayetano.
Siya ang principal sponsor at author ng POGO tax law (RA 11590) noong 2021, na hindi lang basta nag-impose ng buwis kundi nagbigay ng legal recognition sa POGO mismo.
Kung hindi niya ito isinulong, POGO could have been declared illegal outright, at hindi na natin mararanasan ang kasalukuyang krimen, money laundering, at pabahay crisis.
Sabi niya, “Kailangan i-tax kasi nandito na rin lang sila.” Pero sa halip na i-phase out, pinatibay niya ang legalidad ng POGO operations sa Pilipinas.
Mas lalong lumakas ang false legitimacy ng POGO dahil sa batas niya—ibig sabihin, mas mahirap nang basta ipasara kasi may government recognition na.
POGO: Ang Regalo ni Pia Cayetano sa Pilipinas
Habang abala ang troll farm niya sa pagsasabing “fake news” ang lahat ng ito, heto ang mga hindi nila kayang burahin:
102 POGO-related crimes mula 2019-2022—kidnapping, torture, human trafficking, at money laundering! 4,355 biktima ng mga krimen na ito, at isa lang ang nauwi sa hatol na guilty.
Pagtaas ng rentang pabahay hanggang 30%, dahil sa POGO influx na nagtulak sa maraming Pilipino na lumipat o mawalan ng tirahan.
Bilyun-bilyong pisong dirty money ang dumaan sa bansa gamit ang POGO bilang front para sa money laundering. At sino ang utak ng batas na nagbigay-lisensya sa POGO? Si Pia Cayetano mismo.
Pero Ang Mas Matindi? Yung Troll Farm Mo, Pia.
Ang mga depensa ng mga ito ay parang sinulat sa index card tapos pinasa-pasa na lang:
"Huwag niyong siraan si Sen. Pia!" – Hindi namin siya sinisiraan, siya lang talaga may gawa nito.
"May due process naman ang POGO!" – Oo nga, at ang due process na ‘yon ang nagtulak sa batas na siya mismo ang principal author at sponsor. So… anong point mo, bes? "Alam namin ang magagandang hangarin ni Sen. Pia!" – Baka gusto niyong i-share sa lahat kung ano ‘yon? Kasi so far, ang record niya sa POGO ay hindi very “Pinay in Action,” kundi very “POGO in Action.”
"Kahit anong paninira, suportado namin siya!" – Okay, at sino kayo? Mga profile na may default sunset photo, 53 friends, at walang ibang post?
Pia, kung hindi mo kayang ipaliwanag ang POGO fiasco mo, at kung hindi mo kayang harapin ang sarili mong papel sa pagpayaman ng mga sindikato sa Pilipinas, baka naman puwedeng ibang troll farm na lang ang kunin mo. ‘Yung hindi mukhang group project na minadali isang oras bago ang deadline.
Sa Huli, Ano’ng Natutunan Natin?
Hindi mo pwedeng burahin ang katotohanan gamit ang trolls. Hindi mo pwedeng pagtakpan ang epekto ng POGO gamit ang generic na depensa.
At lalong hindi mo pwedeng asahan na kakalimutan namin ang papel mo sa problemang ito.
Pia “POGO in Action” Cayetano, kung hindi mo man kayang sagutin ang mga tanong tungkol sa batas mong nagpamukhang sindikato hub ang Pilipinas, at least sagutin mo ito:
Bakit parang mas pinag-isipan pa ng trolls mo ang depensa nila kaysa sa batas na isinulong mo?