Pia “POGO in Action” Cayetano

2 weeks ago 6

Sa mga kalsada ng Maynila, may 4.5 milyong Pilipinong walang sariling tahanan, Samantalang sa mga POGO hubs, may 300,000 dayuhang empleyado na nagpakasasa sa ating lupa’t ari-arian. Sino ang nagbukas ng pinto sa mga sindikato at kriminal? Si Pia Cayetano mismo—ang prinsipal na may sala sa panlilinlang!

Siya mismo ang principal sponsor at author ng batas na nagpayaman sa mga dayuhan, Habang ang mga Pilipino? Naiwang natatakot, nagdurusa, at hindi makahanap ng katarungan.

Dahil sa POGO na itinulak ni Pia Cayetano:

102 POGO-related crimes ang naitala mula 2019 hanggang 2022, kabilang ang kidnapping, human trafficking, at torture. 4,355 biktima ang nasangkot sa mga kasong ito, pero isa lang ang nauwi sa hatol na pagkakasala.

Pagtaas ng renta sa mga pangunahing lungsod—pinalayas ang mga Pilipinong nangungupahan para sa mga dayuhang POGO workers.

Pagtaas ng opisina vacancy rate sa Metro Manila sa 20.5%, dulot ng biglaang pag-alis ng mga POGO matapos nilang samantalahin ang ating ekonomiya.

Bilyun-bilyong pisong dirty money ang lumusot sa Pilipinas sa pamamagitan ng money laundering na ikinubli sa POGO operations.

At sino ang nagbigay-daan sa lahat ng ito? Si Pia Cayetano. Siya mismo ang utak, nagtulak, at nagtaguyod ng batas na sumira sa Pilipinas.

Ang mas masaklap? May kapal pa siyang ipangalandakan ang “Pinay in Action” kuno.

Pero anong klaseng aksyon? Hindi para sa Pinay—kundi para sa POGO!

Sa totoo lang, ang tunay niyang tatak ay hindi Pinay in Action, kundi POGO in Action!

Ngayon, may gana pa siyang maghugas-kamay? Kung talagang walang kasalanan, bakit hindi niya itulak ang tuluyang pagsasara ng mga POGO? Bakit siya tahimik habang ang bayan ay ginagapos ng kapalpakan niya?

Huwag na natin siyang iboto. Huwag nating hayaang bumalik ang salot na iniwan niya sa ating bansa. At kung sakaling humarap siya sa inyo na may ngiti at bagong pangako—

Kakalimutan niyo ba ang latay ng kanyang pagkakamali?

Read Entire Article