
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Bago ipinalabas ang bagong episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong Miyerkules, naging usap-usapan na kaagad sa social media ang tungkol sa gustong aminin ni Klarisse De Guzman.
Kaniya-kaniyang hula na ang viewers at netizens tungkol dito, at karamihan sa kanila ay talaga namang inabangan ang rebelasyon ni Klarisse.
Sa katatapos lang na episode nito, inamin ng Kapamilya singer na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community at mayroon siyang partner.
Ayon sa una niyang pahayag, “Tagal kong pinag-isapan if sasali ba ako sa Pinoy Big Brother kasi hindi ko alam kung kaya kong expose 'yung buhay ko. Actually, nung una nag-no ako.”
Pagpapatuloy niya, “Kaya ko bang i-open 'yung buhay ko sa tao, sa public? Obviously, nandito ako, so kaya ko. Tingin ko ito na 'yung time para sabihin ko sa inyong lahat and to tell the world…”
Kasunod nito ay ang pag-amin ni Klarisse: "I'm not straight."
Patuloy niya, "I am bi [bisexual]. Yun yung sinasabi ko sa inyong may four years akong partner. Yes, I have a partner for four years her name is Trina.
"Hindi ko in-expect na masasabi ko rito. Wala lang, ang lakas lang ng loob ko para sabihin. Hindi alam ng public, but alam ng parents ko. Bago mamatay, mawala ang papa ko and alam ng mama ko. And ang kasama ngayon ng mama ko is her.
"I guess, kumportable na akong sabihin sa inyong lahat, with Michelle Dee pa, di ba? And hindi ko mahintay na ma-meet n'yo siya and I miss her.
"Sobrang suwerte ko lang talaga kasi tanggap ako ng parents ko. Hindi ako nahirapan sa phase na yun. Even some of my relatives, alam. But bilang isang celebrity nga, hindi ko pa nasasabi sa work ko."
Sa huli, buong pusong sinabi ni Klarisse, "I am proud! Love wins!"
Buong suporta naman ang natanggap ng singer mula sa kanyang PBB housemates, na kinilig pa habang kinukuwento ang tungkol sa kanyang partner.
Pagkatapos nito, inalala ni Klarisse ang ginawa nilang musical sa loob ng Bahay ni Kuya. Sinabi niya na yung lyrics ng kanyang kinanta, "Talagang hindi ako nahirapan. It all came from here [heart].
"Yung lyrics nun: "Di ka depektibo Iba man ay manibago Baliko o tuwid, 'yan ang mundo At walang mali sa 'yo."
Bilang pagpapakita ng pagtanggap ng housemates kay Klarisse, pinalakpakan at niyakap nila ang singer.
Matatandaan na noong 2006, inamin ng BB Gandanghari, na dating kilala bilang si Rustom Padilla, na siya ay isang gay sa kapwa housemate na si Keanna Reeves.
Matatandaan na noong 2006, inamin ng BB Gandanghari, na dating kilala bilang si Rustom Padilla, na siya ay isang gay sa kapwa housemate na si Keanna Reeves.
Samantala, si Klarisse ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Kwelang Soul Diva ng Antipolo.
Ang bago niyang ka-duo sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang Sparkle star na si Will Ashley, na kilala bilang Mama's Dreambae ng Cavite.
Ang confession ni Klarisse ay ang ikalawang pagkakataon ng pag-amin ng isang PBB housemate bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Celebrities who are proud members of the LGBTQIA+ community