Papa Marky, naluha sa pamamaalam niya sa Barangay LS Forever

1 month ago 11

February 14 2025

By AEDRIANNE ACAR

Maraming Barangay LS Forever listeners at fans ang napa-‘aguy’ nang pormal na ipinaalam ni Papa Marky ang kanyang pamamaalam bilang disk jock ng FM station.

Tumagal nang dalawang dekada si Papa Marky bilang radio DJ.

Sa kaniyang huling araw sa pagsalang bilang host ng Talk to Papa nitong Huwebes, February 13, sinabi ni Papa Marky na mami-miss niya ang pagiging parte ng Barangay LS.

“Siyempre, mamimiss ko ‘to. I mean, early in the morning, 7 a.m. gising na ako. Naghahatid na ako ng anak ko, ‘tas diretso dito. Sabi ko nga kanina, ‘di ba parang, I need to go pa ba sa station? May ganun, e.

“So ‘yun, mami-miss ko for sure. Isang malaking desisyon.” Pagkatapos ay tumulo na nang tuluyan ang luha ni Papa Marky.

Ipinaliwanag niya na ang desisyon niyang umalis ay may kinalaman din sa kaniyang pamilya.

Lahad niya, "Ayun lang, it’s a big decision for me na sobrang pinag-pray ko, sobrang pinag-isipan kong maigi yung mga bagay-bagay.

"Yung responsibility ko, not just for myself. Kumbaga, ang desisyon na ito, hindi lang for myself [but] for my family. Kumbaga, hindi na ako bumabata. Kung happiness din lang at saya, siyempre, Barangay LS. Gusto ko yung ginagawa ko. 

"Hindi sapat na gusto mo lang, di ba? So, may family ako, may gusto din akong makuha, patunayan sa sarili ko and that’s it. So, dumating na sa puntong ayoko naman ma-compromise yung trabaho ko dito sa LS. "Kumbaga, aalis ako dito, No. 1 [ang] Talk to Papa, No. 1 ang Barangay LS.”

Pagpapatuloy ni Papa Marky, “Thank you, yung mga nakinig siyempre from the very beginning. Continue to support not just Talk to Papa [but] Barangay LS.

“And kahit wala naman ako sa LS, I will continue to support. Kumbaga, nasa back ng camera pa rin ako. Nagma-market pa rin ako, so makakatulong pa rin ako sa LS."

Bumuhos naman ang mensahe ng mga loyal listeners ng Barangay LS sa social media at wish nila ang success ni Marky.

Read Entire Article