
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
Ipagpapalit ba ng mga Pasigueño ang mga napatunayang reporma ni Sotto sa pangako ng agarang lunas mula kay Discaya?
Kinagigiliwan ng maraming Pasigueño ang kanilang mayor na si Vico Sotto. At bakit hindi? Dahil sa kanya ay nasawata ang lumang kalakaran ng kickback sa procurements ng pamahalaang lokal, na nagbunga ng bilyon-bilyong pondong sa halip na mapunta sa katiwalian ay nailaan sa ibayong serbisyo sa mga mamamayan.
Pero kung iisiping sigurado na ang panalo ni Sotto sa darating na eleksyon – tumatakbo siya sa ikatlo at huling termino bilang mayor – ay medyo kuwidaw mismong siya at ang kanyang ticket na Giting ng Pasig. Ang katunggali niyang si Sarah Discaya, na may-ari ng isang malaking construction company, ay tila ‘di nauubusan ng pantustos sa kanyang kampanyang noong nakaraang taon pa nagsimula, sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda.
Minaliit ni Discaya ang “good governance” na itinaguyod ni Sotto, at nangangako siya ng malalaking imprastraktura at agarang lunas sa mga problema, bagama’t may lamat ang record ng mismo niyang kumpanya. Makukuha kaya niya ang loob ng mga Pasigueño sa pamamagitan ng ayuda? O pipiliin ba nilang muli ang mga repormang napatunayan nang nagdudulot ng mga pangmatagalang benepisyo?
Panoorin ang kuwento ng halalan sa Pasig City sa ulat na ito ni JC Gotinga. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading