Nutribun Republic is back

5 days ago 2
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Hindi lahat ng katahimikan ay pagsuko. May mga tinig na pinatahimik pero hindi kailanman pinatahimik ang katotohanan. May mga pahinang isinara pero hindi kailanman isinara ang laban para sa bayan.

Tuloy ang kwento. Tuloy ang laban. At kahit ilang ulit pa nila subukang ipikit ang mga mata ng masa, may mga mata pa ring mulat, nagbabantay, at hindi basta-bastang nagpa-pabudol.

Sa panahon na ang katotohanan ay tinatawag nang “panggugulo,” at ang paglilinaw ay tinatawag na “violation,” mas kailangan tayong tumindig.

Hindi para sumikat. Hindi para maging viral. Kundi para sa kasaysayan. Para sa mga susunod na henerasyong kailangang malaman: Na may mga tumindig. Na may mga lumaban. Na kahit walang pondo, walang makinarya, walang proteksyon—may mga tinig na hindi binura ng takot.

At ano nga ba ang tunay na tungkulin ng isang tinapay?

Dapat, ma·la·mán. Hindi lang siksik sa laman at masustansya (pang-uri), kundi dapat ding matutunan, mabatid, at matanto (pandiwa). Sapagkat ang pagkaing walang sustansya ay walang saysay, at ang impormasyong walang kabuluhan ay lason.

Kaya kung iniisip mong tapos na ang Nutribun, tanungin mo ang sarili mo: Bakit sila natatakot sa tinapay na may laman? Bakit sila takot sa kwento ng katotohanang sinusubo natin sa masa?

Hindi ito pagtatapos. Ito ang panibagong kabanata. Mas masarap kapag tinapay ng bayan, hindi mumo ng mga trapo.

NUTRIBUN REPUBLIC: Hindi lang pagkain ng utak, kundi pagkain ng dangal. Tara na, ipakain na natin ito.

Read Entire Article