
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
#PorDee tandem nina Michelle Dee at Anntonia Porsild ay nagpasayang muli sa kanilang fans!
Nagbabalik ang Miss Universe 2023 duo nina Michelle Dee at Anntonia Porslid na #PorDee!
Muling mapapanood ang pagbida nina Michelle at Anntonia sa ilang TikTok videos, suot ang kanilang signature bathrobes at nasa loob ng banyo, katulad ng mga dati nilang entries sa platform.
“Bathroom TikToks are back, baby! Michelle is way too cool for me,” sulat ni Anntonia sa caption ng kaniyang video.
@annporsild Bathroom TikTok's are back baby! Michelle is way too cool for me @MMD #pordee ♬ เสียงต้นฉบับ - Ton khy mardSa ngayon ay may tatlong videos na na-post ang dating Miss Universe 2023 beauty queens. Dalawa sa TikTok account ni Michelle, at isa naman sa account ni Anntonia. Ginawa nila ang “Pogi” craze, at dalawang dance challenges sa pagbabalik ng kanilang Bathroom TikToks.
@mmd just two #pogi ♬ POGI - Paul N BallinUnang nakilala ang #PorDee duo nila noong makabuo ng close bond at friendship sina Michelle at Anntonia nang lumaban sila para sa korona ng Miss Universe 2023. Nagtapos ang Kapuso star sa Top 10, samantalang ang Thai model naman ang nakakuha ng first runner-up.
Sa isang panayam kay Anntonia, pinasalamatan pa niya ang Sparkle star para sa “amazing friendship” na nabuo nila.
“This bond that we've created that has united not only the fans around the world, but the Filipino and Thai fans instead of fighting each other,” sabi ni Anntonia.
Lalo pang ikinatuwa ng fans nang magbahagi si Michelle ng ilang litrato nila ni Anntonia sa kaniyang Instagram account.
Kamakailan lang ay muling nagkita sina Michelle at Anntonia sa isang event ng designer na si Mark Bumgarner. Nandoon din ang kapwa aktres niya na si Kylie Verzosa, dating beauty queen Pia Jauncy, Thai actress-model Davika Hoorne, at celebrity photographer na si Mike Gella.
BALIKAN ANG MAINIT NA PAGSALUBONG NG PINOYS KINA MICHELLE AT ANNTONIA SA AIRPORT SA GALLERY NA ITO: