Marian Rivera receives new recognition for the film 'Balota'

9 hours ago 8

March 18 2025

By DIANNE MARIANO

Isang bagong parangal ang natanggap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa kanyang husay sa pag-arte. 

Nagwagi ang renowned star bilang Best Actress sa 10th Southeast Asian Achievement Awards para sa kanyang pelikula na Balota, kung saan gumanap siya bilang Teacher Emmy.

Ngayong Martes (March 18), pormal na ipinakilala ang award-winning actress sa isang event bilang bagong brand ambassador ng isang local one-stop-money shop chain. Sa naturang event, nagkaroon ng pagkakataon ang miyembro ng mga press na makapanayam ang celebrity mom. 

RELATED GALLERY: TRIVIA: The many achievements of Marian Rivera

Dito ay ibinahagi niyang nao-overwhelm siya sa patuloy na parangal na natatanggap niya sa Balota.

“Medyo nao-overwhelm ako kasi parang akala ko last year natapos na pero habang itong taon na pumapasok ay mayroon pang dumadagdag na mga recognition kay Balota,” aniya. 

Napanood ang Balota sa 20th Cinemalaya Independent Film Festival noong August 2024 at inilabas ang new cut ng pelikula sa mga sinehan nationwide noong October 2024. 

Read Entire Article