D ko sigurado kung tamang flair yan pero oh well.
Recently pumunta kami ng friends ko sa Manila zoo para sa project namin and sa totoo lang, medyo mixed feelings ako. On one hand, medyo mababa naman expectations ko kasi d pa ako nakapunta sa manila zoo at konti lng ang mga nakikita ko nakapunta post o recos or ano about sa zoo. On the other hand, medyo kulang pa sha talaga.
Yung pinakaissue ko siguro is na yung mga info-signs tungkol sa animals ay naka-english. I mean gets naman maraming mga turista at estudyante siguro pero still. Prng mas mabuti nlng sana kung kahit Filipino Tsaka English yung nilagay nila na sign. (Pic for reference)
May mga ibang issue din like, sa enclosure ng mga lion may plastic pa na basura, medyo maliit ang mga enclosure overall ng mga enclosures nila. Syempre medyo kaunti na rin ang mga hayop nila pero d naman yan big deal talaga saaken. Tas isa pa is ANDAMI NG TAE NG MGA IBON. Honestly maraming mga parts sa walkway na parang natabunan na ng tae jusko
PERO in fairness naman may mga magaganda rin, yung reptile area especially ay maganda, malinis at modernized(?) yung architecture ng manila zoo overall bet na bet ko. And overall mabuti rin na may more or less accessible na zoo dito sa pilipinas.