Kris Aquino, aminadong 'not so okay' pa rin ang pakiramdam

2 months ago 12
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Usap-usapan ngayon online ang first appearance ni Kris Aquino sa publiko matapos ang ilang taong gamutan para sa kanyang autoimmune conditions.

Dumalo ang TV host at actress sa PeopleAsia's People of the Year 2025 upang suportahan ang kanyang kaibigan, ang fashion designer na si Michael Leyva.

Bagamat nagpakita na siya sa publiko, makikita pa rin na naka-mask si Kris Aquino at maingat sa kanyang kilos at pagsasalita.

“I'm not so okay. Nahihilo ako,” inamin ni Kris sa isang panayam kasama ang GMA Integrated News.

Samantala, sa isang post ng kanyang kaibigan at make-up artist na si Rb Chanco, sinabi nitong "very sick" pa rin ang Queen of All Media at mahirap siyang ayusan dahil sa kanyang kondisyon.

"With her severe allergies and flares, I was terrified she'd react, especially since she hasn't worn makeup since her health declined," ani Rb. "But by some miracle, her reaction was minimal, and that alone was a huge relief."

Dagdag pa niya, "Her appearance was brief but deeply meaningful--a sign that she's still here, still fighting, still moving forward."

Masaya rin ang make-up artist sa pagbabalik ni Kris at natuwa siyang maayusan muli ang TV star.

"Despite everything, she made her first public appearance since becoming very ill. The real queen, the Kris we all love and miss, is still here--stronger than we know. And maybe, just maybe, this is the start of something more," sabi niya.

Ayon sa huling health update ni Kris, kinakailangan niyang mag-isolation dahil mas bumaba pa ang kanyang immunity. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy siyang lumalaban sa tulong at suporta ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Balikan ang timeline ng health scares ni Kris Aquino, dito:

Read Entire Article