"Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel on Sen. Bato's "become a Senator first" remark:
Ang matandang trapong gipit, sa pagmamaliit sa kabataan kumakapit. Walang dapat patunayan ang kabataan o sinuman para mapakinggan. Hindi niyo pagmamay-ari ang titulo niyo sa Senado. Bawal sa public service ang pikon, at lalo na ang duwag sa pananagutan.
Consistent ang politika mo Sen. Bato: kinikilala lang ang boses at karapatan ng kapwa nasa kapangyarihan, pero hindi ng ordinaryong mamamayan. Halata sa madugong drug war na pinatakbo niyo na kolateral lang ang buhay ng walang kapit sa pwesto. Hindi kayo galit sa adik. Kayo itong adik sa pagpatay sa mahihirap na hinuhusgahan niyong salot ng lipunan."