Joyce Ching at Kristoffer Martin, bakit nga ba naghiwalay noon?

1 week ago 13
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Showbiz News Joyce Ching, Kristoffer Martin

Alamin ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng KrisJoy loveteam nina Joyce Ching at Kristoffer Martin, dito.

Isa sa mga nabuong loveteams noon sa teen romantic series na Tween Hearts ay ang tambalan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin na KrisJoy. Ngunit ang kaibahan lang nito sa ibang loveteams ay mula sa reels ay naging real ang kanilang relasyon, bago tuluyang natapos ito.

Sa pagbisita ni Joyce kasama ang dating co-star na si Joshua Dionisio, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes (September 12), ikinuwento ng aktres kung papaano nagsimula ang relasyon nila noon ni Kristoffer. Ibinahagi rin niya ang totoong dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Ayon kay Joyce, nag-umpisa ang kanilang relasyon ni Kristoffer noon dahil sa kanilang pagiging loveteam.

“Kasi as a loveteam 'di ba, siyempre everyone na naka-surround sa amin, talagang pinu-push kami together, 'Uy, cute kayo together. Nagkadevelopan kasi laging magkasama, ta's 'yung mga eksena namin, sweet-sweet,” saad ng aktres.

Ngunit pag-amin ni Joyce, naghiwalay sila ni Kristoffer dahil sa immaturity nila. Masyado pa raw silang bata para sa isang tunay na relatiosnhip noong mga panahon na iyon.

“I guess, immaturity kasi ang bata pa rin po namin. I think were too young to be in a relationship, hindi talaga namin naiintindihan what it means at saan ba talaga papunta ang mga relationships,” sabi ng aktres.

Nilinaw naman ni Joyce na hindi sila away-bati na klase ng immaturity at sa halip, masyado lang silang bata talaga para mag-handle ng isang relationship.

Ngayon ay masaya na sa kaniya-kaniyang mga pamilya sina Joyce ay Kristoffer. Ikinasal ang aktres sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon noong 2019 at noong 2024 ay nabiyayaan sila ng anak na babae.

Si Kristoffer naman ay ikinasal sa non-showbiz girlfriend na si AC Banzon noong 2022. Nauna na silang naging magkarelasyon ng pitong taon bago naghiwalay noong 2020 at nagkabalikan noong 2021. Meron din silang anak na babae, si Pré.

Balikan ang panayam kay Joyce rito:


Read Entire Article