Jam Ignacio, hinahanap na ng NBI

1 month ago 24

Matapos masagip si DJ Jellie Aw mula sa umano'y pang-aabuso ng kanyang fiancé, idineklara na ng National Bureau of Investigation (NBI) na "in pursuit" na ang suspek na si Jam Ignacio.

Ayon kay NBI Chief Jaime Santiago, desidido si Jellie na papanagutin si Jam sa mga ginawa nitong kalupitan sa kanya

"Hinahabol natin 'yung kanyang boyfriend. So, I asked her, 'Baka naman lumuhod sa iyo ito, patawarin mo?' Sabi niya, hindi, tuturuan daw niya ng leksiyon. She wants the boyfriend to go to jail," ani Chief Jaime sa press briefing.

Dagdag pa niya, "Kung suwe-suwertehin tayo, within the day, makukuha natin 'yung boyfriend niya para mapanagot sa kasalanan na ginawa niya,"

Noong Huwebes, February 13, pormal na nagsampa ng reklamo si Jellie laban kay Jam ukol sa umano'y pang-aabuso nito sa kanya.

Related gallery: Jam Ignacio and DJ Jellie Aw's relationship timeline

Bago ito, ipinakita ng DJ ang mga larawan ng kanyang mga sugat at pasa na dulot ng umano'y pambubugbog ng kanyang fiancé.

Isinulat ni Jellie sa kanyang post, " "HAPPY VALENTINES? T***a mo Jam Ignacio, mapapatay mo ako. Halos mamatay ako sa ginawa mo! Papakulong kita."

Nag-post din ang kanyang kapatid, si Jo Aw, tungkol sa nangyari. "BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN. Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. Ang kapal naman ng mukha mo JAM IGNACIO," ayon sa kanyang post.

Nakaligtas si Jellie nang magkaproblema ang pass ni Jam sa isang toll gate, na nagbigay daan upang humingi siya ng tulong. Ang teller ng toll booth ay agad na napansin ang sitwasyon at ito ang naging pagkakataon upang humingi ng saklolo si Jellie.

Samantala, kilalanin si Jellie sa gallery na ito:

Read Entire Article