Sa pagsisimula ng impeachment process, hamon sa ating mga kinatawan sa Kongreso na patunayan na kaya nilang isantabi ang personal at pampulitikang interes upang ipaglaban ang tama. Dapat patas at transparent ang proseso, at tunay na nagsusulong ng hustisya. Hindi puwedeng maging isang palabas lamang ito para pagtakpan ang katotohanan.
Pero hindi ito simpleng laban. Gagalaw ang makinarya ng makapangyarihan para pigilan ito, para hadlangan ang katotohanan, at para takutin ang mga may tapang na manindigan. Kaya't nananawagan ako sa ating mga kababayan--maging mapagmatyag tayo. Hindi dito nagtatapos ang ating laban; simula pa lang ito.
Source: Leila de Lima FB Page