Hello po, paano po mag set-up ng bagong wifi router?
Yung router po kasi namin is super old na 5-6 yrs old na po and nag kukusa na syang ma-disconnect or mawalan ng wifi. Bumili ako ng bagong router (TP-LINK ARCHERX AX12), may instructions naman sya kaso laging kulay red ung router tapos ang sabi eh naka double NAT daw ang situation, di ko po alam ano ibig sabihin nun.
Sinubukan ko po i disconnect ung PLDT router dun sa optic fibr connector pero iba ung pinaka cable nya and walang pag sasaksakan dun sa binili kong bagong router. So ang ginawa ko po is kinonnect ko dun sa lumang router ung bago, pero aun nga no internet.
Paano po gagawin ditong solution? I've checked na rin sa youtube and hindi ko sila ma-follow, TIA po sa mga makakasagot!