
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Yung device na ginagamit ko ngayon ay Realme C67 5G Kakabili ko lang nung TNT Sim Card nung April 15 dahil may UNLI Facebook, UNLI Tiktok, UNLI MLBB at UNLI 5G silang inooffer. sinubukan ko yung Promo nung na-register kona nag-notify na sakin yung TNT na successfully ko nang na-registered yung Promo.
Pagbukas ko ng Mobile Data nag-iindicate siya as 5G at Full Bar rin siya. kaso hindi ako makapasok sa Facebook at MLBB sinubukan korin mag-google pero wala din. wala naman akong kinalikot na APN, VPN at DNS Connections sa Sim Card ko sinubukan kona rin i-restart yung device at i-airplane mode tas tanggalin ilipat sa ibang sim card tray o sa ibang device pero wala padin kahit Smart App hindi rin ako makapasok. posible kayang na-block yung bagong Sim Card ko o Na-scam ako? kasi sayang naman kung hindi magagamit yung Promo.
Currently posting this on DITO Sim.