Maraming malalaking partido ang hindi pinaunlakan si Heidi Mendoza dahil wala raw siyang makinarya at mababa sa survey. Pero ang tunay na laban ay hindi nasusukat sa pera o makinarya ng iilan—kundi sa lakas ng taong bayan. Hintayin niyong makilala siya ng buong Pilipinas at makita sa survey ang sigaw ng mas marami.
Kami ang makinarya niya. Tayo ang makinarya niya. Hindi natin kailangan ng milyon-milyong pondo para magpakilos—dahil ang malasakit at paninindigan natin ang pinakamakapangyarihang puhunan. Mag-imprenta tayo ng sarili nating posters, gumawa ng sariling campaign materials, at gamitin ang ating talento at creativity para ipalaganap ang mensahe ng katapatan at pananagutan sa gobyerno.
At kapag dumagsa na ang suporta, huwag kayong mag-alala—tatanggapin pa rin namin kayo kahit hindi niyo siya pinaunlakan, dahil ang tunay na pagkakaisa ay hindi nagtatakwil, kundi nagbubuklod para sa mas magandang kinabukasan!
CAMPAIGN MATERIALS FOR PRINTING: http://heidimendoza.com/become-a-volunteer/#download-campaign-material
Source: Nutribun Republic