Former child star Krystal Reyes, ikinasal na

1 month ago 6

Ilang araw matapos ibahagi ang mga naganap sa kaniyang bridal shower, ikinasal na si Krystal Reyes sa kaniyang longtime partner na si Lawrence Dela Cruz.

Sa isang Facebook Reel, makikitang one glowing bride si Krystal suot ang kaniyang wedding gown sa napaka-espesyal na araw ng kaniyang buhay.

Present sa big event ang mga kaanak at mga kaibigan ng former child star at ni Lawrence.

Mapapanood sa ilang clips na naging emosyonal si Krystal at ang kaniyang pamilya bago siya lumakad sa altar para sa wedding ceremony.

Sa comments section nito, mababasa ang napakaraming congratulatory messages at warm greetings ng netizens para sa newlywed couple.

Samantala, kung noon, abala si Krystal sa kaniyang acting projects, ngayon ay inilalaan naman niya ang kaniyang oras sa kaniyang growing skincare product business.

Unang nakilala ang former child star noong taong 2006 sa hit GMA drama series na Bakekang.

Related gallery: Bakekang child stars noon at ngayon

Nakasama niya sa naturang serye ang seasoned actress na si Sunshine Dizon at kasabayan niya sa showbiz na si Eunice Lagusad.

Napanood din siya sa Anna KareNina noong 2013, kung saan naging co-stars niya ang Kapuso stars at batchmates niya na sina Barbie Forteza at Joyce Ching.

Matatandaang inanunsyo ng dating child star ang engagement nila ng kaniyang non-showbiz partner noong March 2024.

Congratulations and best wishes sa iyong married life, Krystal Reyes!

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA IKINASAL NA ARTISTA NOONG 2024 SA GALLERY SA IBABA

Read Entire Article