Final dance star duos, magtatanghal ng makukulay na Philipine folk dances

1 week ago 12
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

GMA Logo SOTF poster

Photo source: SOTF

What's on TV

By Karen Juliane Crucillo

Published September 13, 2025 4:18 PM PHT

Showbiz News SOTF poster

Ipamamalas ng final dance star duos ang ganda ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Philippine folk dances sa 'Stars on the Floor.'

Noong nakaraang episode sa Stars on the Floor, nilibot ng final dance star duos ang buong mundo. Ngayon, ipagmamalaki naman nila ang sariling atin!

Ngayong Sabado, September 13, ihahandog ng final dance star duos ang makukulay at masiglang Philippine folk dances na tunay na sumasalamin sa yaman at ganda ng kulturang Pilipino.

Mula tinikling hanggang pandanggo, tiyak na magiging parang isang malaking pista ang collabanan sa dance floor.

Noong nakaraang linggo, itinanghal sina Thea Astley at Joshua Decena bilang 9th top dance star duo dahil sa kanilang matagumpay na pagpapakita ng kultura ng Brazil.

Sino kaya ang magwawagi ngayong linggo at magiging bida ng talentong Pinoy?

Abangan yan sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor:


Read Entire Article