
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Makailang beses na tayo nakabasa ng fake news online tungkol sa celebrities.
Ang ilan sa showbiz personalities, mas pinipiling manahimik lalo na at hindi naman totoo at gawa-gawa lang. Pero meron ibang celebrities na hinaharap ang isyu upang maitama ang maling impormasyon at hindi na lalong lumala pa.
Nitong Oktubre 2024, sinagot ni Jackie Gonzaga ang kumalat na tsismis na may lihim na relasyon sila ng 'It's Showtime' host na si Ion Perez. At ang mas matindi dito ay buntis daw siya at si Ion ang ama ng dinadala niya.
Agad na itinama ni Ate Girl Jackie ang nakakabahalang fake news na ito sa isang TikTok live.
Mariin ding tinanggi ni Ruffa Gutierrez na buntis siya noong Enero 2024 at ang ama ng dinadala niya ay ang boyfriend niyang si actor-politician Herbert Bautista.
Tinapos ni Ruffa ang mga haka-haka tungkol sa isyu na ito nang mag-post siya ng statement sa Instagram Story.
Heto pa ang ilan sa mga female celebrities at kanilang mga mahal sa buhay na pumalag sa pregnancy rumors na kinakalat online.