[EDITORIAL] When a US president goes rogue

2 months ago 11
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] When a US president goes rogue

Kung 'Fight House' na ang bagong style ng negosasyon sa ilalim ni Trump, papaano na ang West Philippine Sea?

Nayanig ang buong mundo nitong weekend sa mga ganap sa Oval Office — na tinaguriang “Fight House” — kung saan inupakan ni US President Donald Trump at Vice President JD Vance si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy. 

Sa pinakahuling balita, mukha namang solid ang suporta ng Europe kay Zelenskyy — maliban kay Viktor Orban ng Hungary na pumuri kay Trump. Pero that’s little comfort sa Ukraine dahil walang defense capability ang Europa at nakasandal din ito sa lakas-militar ng Estados Unidos.

Donald Trump, Vladimir Putin, JD Vance, US, Russia, USAID, Ukraine, Gaza
Europe in crisis

Sabi pa ni British Prime Minister Keir Starmer, dapat nang panagutan ng Europa ang pagtatanggol sa sarili nito. Nagkumahog ang mga lider na dumalo sa isang summit sa London nitong Linggo na tinawag ni Starmer na “once in a generation moment for the security of Europe.” Sabi naman ni French President Emmanuel Macron: “There is an aggressor: Russia. There is a victim: Ukraine.”

Nag-hyperventilate ang mga lider hindi dahil labs na labs nila si Zelenskyy at ang Ukraine, kundi dahil hudyat ang meltdown sa Oval Office ng krisis panseguridad ng mga bansang miyembro ng NATO sa Europa. Nangyari na ang hindi pa nangyayari mula nang sumumpa si President Harry Truman noong 1949 na ang atake sa isang NATO ally ay atake sa Amerika.

Walang humpay ang “blitzkrieg” ni Trump na tila hurricane na bumuwag sa akala ng lahat ay nakataga-sa-batong mga prinsipyo sa US internal at external policies. Andiyan din ang mass layoffs sa federal government kung saan ang bilyonaryong si Elon Musk ang promotor. Nariyan din ang shake-up sa top brass ng US military leadership.

Redefining world order

Bilang lider ng free world at abanteng kamulatan, nakalululang setback ang nangyayari sa US para sa buong mundo.

  • Humaharap ngayon ang global aid system ng $63-billion funding shortall matapos mag-collapse ang USAID na tinawag ni Musk na “criminal organization,” ayon sa Oxfam Canada
  • Inaasahang tataas nang 36% ang greenhouse gas emissions ng US sa ilalim ni Trump dahil sa pinatinding dependence sa imported oil at gas, at sa pag-roll back sa environmental protection laws. At siyempre, muli niyang pinaalis ang US sa Paris Agreement.
  • Banta sa pagkakapantay-pantay ang giyera ni Trump laban sa “gender ideology” na pinangangambahang magro-roll back ng mga karapatang naipanalo na ng LGBTQ+ community.
  • Inatras na rin ng Estados Unidos ang suporta nito para sa mga organisasyon ng United Nations na nasa frontlines ng pagsusulong ng karapatang pantao (UN Human Rights Council), kalusugan (World Health Organization), at pag-ayuda sa mga refugee sa Palestine (United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees), to name a few.

Sabi ni Starmer, naniniwala pa rin daw siyang “hindi unreliable ally” ang Estados Unidos. Pero kapag tiningnan sa lente ng mga galaw nito sa United Nations, tila in denial ang UK Prime Minister. 

Dalawang beses nang pumanig ang US sa Russia sa botohan sa United Nations. Una, sa pagkondena sa Moscow sa ikatlong anibersaryo ng invasion ng Russia sa UKraine; at pangalawa, sa pag-draft nito ng resolusyong nanawagan ng katapusan ng hidwaan, na walang kritisismo ng Russia.

Sa pangkalahatan, binabago ni Trump ang power alignment sa United Nations at sa Europa, kaya’t may tidal wave effect ito sa buong mundo. 

Papaano na ang Southeast Asia?

“America First” ang battlecry ni Trump, tulad na lang ng framing niya sa suporta sa Ukraine bilang pabigat daw sa American taxpayers. Pinapalabas niyang freeloader ang Ukraine na nakikipaglaban para sa kalayaan nito.

Kung “Fight House” na ang bagong style ng negosasyon sa ilalim ni Trump, papaano na ang West Philippine Sea? Laging binabanggit ng mga ambassador ng US na ironclad ang commitment ng Washington sa Maynila lalo na’t may tratado, ang Mutual Defense Treaty, sa pagitan ng US at Pilipinas. Pero magiging sagrado ba ‘yan kay Trump? 

Papaano na ang commitment sa Taiwan? Ano’ng ibig sabihin ng bagong brand ng diplomasya ni Trump sa rehiyon ng Southeast Asia?

Ayon kay dating Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio, dapat maghanda ang Pilipinas “for the worst” sa pamamagitan ng “rapid” na pagpapalakas ng self-defense capability. Pero, paano ‘yan kung napupunta ang budget sa ayuda at public works?

Mukhang nasa crossroads ang buong mundo ng isang bagong world order kung saan umiskiyerda na si Big Brother. Ito ngayon ang hamon sa bawa’t freedom-loving nation na nais ipreserba ang demokrasya sa harap ng rumaragasang otokrasya. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Read Entire Article