[EDITORIAL] We own EDSA. It belongs to us.

2 months ago 12
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

[EDITORIAL] We own EDSA. It belongs to us.

Pero walang karapatan ang mga Marcos na i-downgrade ang kolektibo nating pagdiriwang sa isang yugto ng kasaysayan na makabuluhan, matapang, at kapita-pitagan sa buong mundo.

“Tutulan natin ang pagtatangkang burahin sa ating kolektibong alaala ang natamo natin noong Pebrero 1986.” ‘Yan ang sabi ng network ng La Salle schools sa isang pahayag.

Edsa, College, History

Ganyan din ang mga pahayag ng ibang paaralan. Sabi ng University of Santo Tomas, “Never forget that true power lies in the collective will of the people.” Sabi naman ng EDSOR Consortium, “Keep the spirit of EDSA alive.

Ano ang nagtulak sa mga eskuwelahan na manindigan tungkol sa EDSA? Na-downgrade kasi ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang EDSA People Power commemoration sa isang special working day na lang. 

Sa panahong kaliwa’t kanan ang atake sa katotohanan — mula kay Donald Trump na ipinagpipilitang ang Ukraine ang nagsimula ng giyera laban sa Russia, kay Elon Musk na tinawag na “criminal organization” ang USAID, hangang sa Tsina na sinasabing nangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal — may giyera laban sa pagkalimot.

Para sa mga lumahok sa EDSA People Power, hindi lang history lesson ang EDSA, isa itong alaala ng katapangan, kagitingan, at sa totoo lang, sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos laban sa buktot na kapangyarihan.

Para sa mga HINDI lumahok sa EDSA dahil musmos pa sila o hindi pa sila pinapanganak — ito ang tinig ng kasaysayan. Hindi ba mas nakaka-proud na alalahanin na may ginawa ang mga magulang, tiya, at tiyo ninyo laban sa diktadura ilang dekada lang ang nakalilipas? Hindi naman sa pinalalabnaw natin ang relevance ni Jose Rizal, Andres Bonifacio, et al, pero medyo mahirap talagang maka-relate sa mga bayaning isang siglo ang pagitan sa atin.

Kaya’t sariwain, pag-usapan, talakayin natin ang EDSA people power — dahil ipinaaalala nito sa atin ang kayang gawin ng Pilipino. It reminds us of the best of us, at the worst of times. Talakayin din ang mga nasirang pangako, matuto sa mga pagkakamali ng post-EDSA era.

For starters, iparinig natin sa administrasyong ito na hindi naman sila kailangang lumahok sa EDSA celebration kung kinikilabutan sila dahil pamilya nila ang pinatalsik ng pag-aaklas. Sabi nga ni Antonio Montalvan: “EDSA does not torment our collective memory. EDSA represents the Filipino’s happy days.

Pero walang karapatan ang mga Marcos na i-downgrade ang kolektibo nating pagdiriwang sa isang yugto ng kasaysayan na makabuluhan, matapang, at kapita-pitagan sa buong mundo. Wala ring karapatan ang mga Marcos na baluktutin ang kasaysayan dahil may iba silang selective memory. 

We own EDSA. It belongs to us. 

Hindi lang iyan tungkol sa mga Aquino, dilaw, o pink. Hindi ‘yan tungkol sa yellow ribbons, pero bahagi ‘yan ng mga imahe ng EDSA. Ang EDSA ay tungkol sa collective dissent. Ito’y tungkol sa collective action.

It is enshrined in our memories, at dapat lang ma-enshrine sa ating selebrasyon, at mas mahalaga, sa ating mga libro sa mga paaralan.

Gasgas man ito, uulitin namin ang sinabi ni Milan Kundera: The struggle of man against power is the struggle of memory against forgetting. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Read Entire Article