Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Tumataginting sa unang sandaang araw pa lang na ang Trumpism ay katumbas ng right-wing populism, anti-globalism, at illiberal policies
“Already, the United States is in a different place than it was a week ago.” Ito ang sabi ni Michael D Shear ng The New York Times tungkol sa whirlwind executive orders at presidential proclamations ni US President Donald Trump.

Hindi lang sa Amerika, kundi sa buong mundo dumadagundong ang mga galaw ni Trump.
Halimbawa, iniutos ni US Secretary of State Marco Rubio ang immediate na pagtigil sa halos lahat ng foreign aid programs – dahil ire-review kung alinsunod ang mga ito sa Trump policies. Tatamaan lahat ng international assistance contracts, kasama na rin ang bilyon-bilyong tulong na nanggagaling sa US Agency for International Development (USAID) sa Third World.
May mga polisiyang magkakaroon ng cascading effect sa buong mundo sa mga susunod na henerasyon, tulad ng pagbaliktad niya ng mga effort upang i-address ang climate change, kasama na ang pag-pull out sa Paris climate agreement, habang binuksan niya naman ang pinto para sa pinaigting na oil drilling.
Ganoon din ang hakbang ng pag-pullout sa World Health Organization kung saan 18% ang kontribusyon ng Estados Unidos. Dagok ito sa pagsisikap na saklolohan ang bilyon-bilyong tao sa mahihirap na bansa na walang disenteng health care.
Malaking setback din para sa diversity, equity, at inclusion ang pag-upo ni Trump. Dalawang “immutable” sexes na lang ang kinikilala ng gobyerno ng Amerika: male at female. Sex na ang terminong gagamitin ng gobyerno, hindi gender. Samakatuwid, hindi na kikilalanin ang intersex or transgender.
Ang mga migrants ay tatagurian nang “aliens.” Maliban sa pagharang sa kanila sa mga border, pinaigting din ang paghahanap sa mga taong ipadedeport, alinsunod sa centerpiece ng pangako ni Trump nitong eleksiyon: ang mass-deportation ng mga taong naninirahan sa US nang walang pahintulot. Tinangka rin niyang tapusin ang “birthright citizenship,” ang pagkilala na Amerikano ang mga sanggol na ipinanganak sa American soil — na pansamantalang naharang ng isang federal judge dahil ito’y “blatantly unconstitutional.”
Ang pagpardon naman sa mga rioters ng January 6 ay may malalim na implikasyon sa demokrasya at sa rule of law sa Amerika. Tila ito na ang hudyat ng pagsisimula ng state-sponsored impunity sa US. (Naiintindihan namin kung inaatake kayo ng Duterte-era flashbacks.)
At ang #1 supporter na bilyonaryo ni Trump na si Elon Musk, ipinangalandakan ang far-right sympathies niya sa isang Nazi salute.
Ayon sa German-French publicist na si Michel Friedman na descendant ng Polish Jews, tila umabot na ang “breaking of taboos” sa administrasyon ni Trump sa puntong “dangerous for the entire free world.”
Sa muling paghalal ng America kay Trump, walang sing-linaw na siya’y ibinoto dahil sa pagiging “white” at mamumuno siya bilang isang white leader. Tumataginting sa unang sandaang araw pa lang na ang Trumpism ay katumbas ng right-wing populism, anti-globalism, at illiberal policies.
Sa isang “Dear America” column sa Nieman Reports, sinabi ito ng Executive Editor ng Rappler na si Glenda Gloria: “American colleagues, prepare for the worst.” Pero hindi natin maiaalis na ma-shell-shock ang mga freedom-loving Americans dahil sa trauma ng first 100 days.
Ang hugot ni Gloria ay iniluwal ng anim na taong mapait na karanasan ng Pilipinas sa ilalim ni dating Presidente Rodrigo Duterte na bukambibig ang “kill, kill, kill” at sinabing legitimate target of assassination daw ang journalists.
Higit kailanman, magiging kritikal ang papel ng mga journalist sa pagbasag sa disinformation, pagpapaliwanag ng mga issue, at pagmimintina ng clarity of thought sa harap ng frontal o backroom na atake ni Trump. Ibabalik namin ang sinabi ni Gloria, “Yield not an inch to a tyrant.” Mahaba pa ang gabi, mga kapatid sa pamamahayag sa Amerika. Rage, rage against the dying of the light. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading