[EDITORIAL] Pag-aresto kay Duterte: Be proud you’re a Filipino

5 hours ago 3

Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

 Be proud you’re a Filipino

It’s a beautiful day when good wins over evil, when a bad man is brought to justice

“My name is Ozymandias, king of kings:
Look on my works, ye Mighty, and despair!’
Nothing beside remains. Round the decay
Of that colossal wreck, boundless and bare
The lone and level sands stretch far away.”
Ozymandias, Percy Bysshe Shelley

Kakaibang Rodrigo Duterte ang natunghayan natin noong gabi ng Marso 14, malayo sa Digong na kilala natin sa tugatog ng kapangyarihan. Isa na siyang detenido, wala na ang dagundong ng boses at matikas na tindig. Suot ang oversized na amerikana, halos hindi siya makadilat. 

Sinadya ba ito upang magpaawa sa kanyang mga tagasuporta? We wouldn’t put it past him, pero ang inaasahan ng lahat ay isang Duterte na defiant. Instead, isang kawawang Duterte ang natunghayan natin.

Wala na ba siyang lakas upang isuot ang maskara ng tapang at yabang? O hindi na siya nabibigyan ng Fentanyl at ng iba niya pang prescribed drugs, kaya’t nakalugmok na lang siya sa kanyang upuan? Ano’t ano man, poetic justice para sa mga pamilya ng biktima ng giyera kontra droga ang tumambad sa ating video feed mula sa The Hague.

Pero tila nakadroga (pun intended) ang mga Duterte Die Hard na nagpabaha ng disinformation sa Pilipinas. Ang isa sa pinaka-destabilizing na ginawa nila ay ang ipagkalat na may TRO (temporary restraining order) daw ang Supreme Court sa pag-aresto kay Duterte na iniutos ng International Criminal Court (ICC). Hanggang sa huling sandali, pinapatunayan ng mga DDS na wala silang mainam na sandata kundi kasinungalingan. 

Ngayon, mas masidhi pa sa human rights defenders ang mga DDS sa pag-i-invoke nila ng “rule of law” at “due process.” Hiniram pa ng bunsong anak ni Duterte na si Kitty ang sikat na linya ng Edsa Revolution: “Never forget.

Oo, Kitty, hindi talaga malilimutan ng mga pamilya ang kahindik-hindik na sinapit ng kanilang kaanak sa administrasyon ng tatay mo.

Hindi nila malilimot na bumulagta na lang ang mga mahal nila sa buhay sa lansangan nang walang Miranda Rights, walang tanong-tanong, walang due process — mga biktima ng extrajudicial killings (EJK). Drug user umano, pusher umano, o natsismis lang ng inggiterong kapit-bahay na “gumagamit” — lahat sila pinatay nang walang kaabog-abog.

Matanda man o bata — tulad ni Kian delos Santos, na sumisigaw ng “Tama na po, may test pa ako bukas!” — ay walang awang tinokhang.  

Sabi ng mga pamilya ng mga biktima: “Mabuti pa siya (Duterte), inaresto ng mga kapulisan. Ang aming mga kaanak, pinatay agad. Napakalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng makapangyarihan at ordinaryong taong tulad namin.”

Sabi naman ni Aida Sawadjaan, mabuti pa raw si Duterte at dumaraan sa tamang proseso ng pag-usig — na ipinagkait sa anak niya.

Tanong ng abogadong si John Molo: “And when the moral arc of the universe begins to correct, will law be the tool or the obstacle to the divine?” Sa pagkakataong ito, tila naging tool for justice ang ICC.(BASAHIN: Rodrigo Duterte’s gambit: Due process for me but not for thee)

Ito ang hindi dapat malunod ng white noise: makapangyarihan, makasaysayan, at mala-EDSA ang pamana ng yugtong ito. 

  • Tiwala sa hustisya: Bottom line, it’s a good day for justice. Sa harap ng broken justice system — at broken pa rin ito, take note — inspirasyon ang pagkakakulong ng isang mass murderer sa charges na “crimes against humanity.” 
  • International law: Sabi ng mga Pilipinong mambabatas, ang ICC ang huling baraha laban sa autokrasya at magtitiyak ng accountability. At sa maraming paraan, nakapag-ambag ang Pilipinas sa pagpapalakas ng ICC sa harap ng pagsalakay ni US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, dahil graphic na ehemplo ang pagkukulong kay Duterte sa bisa ng international cooperation. Sabi nga ni ICC prosecutor Karim Khan: “International law is not as weak as we think. When we come together, when we work, when we build partnerships, the rule of law can prevail.” 
  • Ang sugal ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.: Sino’ng mag-aakalang ang mild-mannered na BBM ay tatahak sa landas na ito at isusugal ang political survival niya sa isang hakbang na complete opposite ng mga naging hakbang ng amang diktador? Medyo blah nga lang ang rationalization niya na “kailangan tayong mag-cooperate sa Interpol.” Sana pinanindigan na niya ang historical game-changing move na nagpapatunay sa gawa hindi lang sa salita na “I am not my father,” at proof that he walks-the-talk. (Ano ba, BBM, palitan mo na ang speechwriter mo!)

Kalimutan muna natin ang overdrive ng motor-mouths ng DDS. Habang totoong may genuine loyalists at seriously deluded at disinformed sa kanila, political opportunism ang kalakhan ng laro nila. At hindi compatible ang opportunists at underdogs. (Ilan kaya ang malalagas sa DDS?) Ang malaking tanong ay gaano ka-astute si Vice President Sara Duterte sa pagka-capitalize sa underdog status ng kaniyang ama? Practice-practice muna sa salamin. 

Mabalik tayo sa pagharap ni Duterte sa ICC, na isang raw bago ang March 15 or Ides of March — ang araw ng pagbagsak ni Julius Ceasar. Parang itinadhana ba?

Ano’t ano pa man, it’s a beautiful day when good wins over evil, when a bad man is brought to justice.

Namnamin natin ang tagumpay na ito at ikonsider itong RESET BUTTON ng hustisya. Gamitin natin itong “shot in the arm” (pun-intended) upang masimulang iwaksi ang impunity o ang katiyakan ng mga makapangyarihan at mayaman na hindi nila pagbabayaran ang pagbali nila sa batas.

Taas-noo nating ipagmalaki na sa panahong nasa kadiliman ng Trumpism ang western world — at tulad ng February Revolution na nagpatalsik sa isang diktador at nag-inspire ng pagpapatalsik ng ibang dikatador — muling may ambag sa kalayaan at demokrasya ang Pilipino. – Rappler.com

How does this make you feel?

Loading

Read Entire Article