
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Tinatanong natin kung saan tayo kukuha ng tapang harapin ang mga nakalululang problema ng mundo nang hindi katuwang si Francis
Personal at global — ‘yan ang tama ng pagpanaw ng Santo Papa.
Nagluluksa, malungkot ang lahat ng henerasyong Pilipino — pero iba ang kawalan sa mga Pilipinong Gen Z, Millennials, at Gen X, na naka-relate sa kanya lalo na noong pumunta siya sa Maynila at Tacloban.
Hindi lang siya banal, charismatic, larger-than-life. Tulad ng Gen Z at millennials, may pakialam siya sa mga bagay na malapit sa puso nila — aktibista siya laban sa global warming, anti-war, anti-disinformation, at pro-LGBTQ.

At nagsisimula pa lang ang mundong matanto ang vacuum, ang hindi masusukat na kawalan, sa larangan ng systemic change sa pagkawala ni Francis.
Maikli pero siksik sa aksiyon ang labindalawang taon niya bilang Papa.
Kinilala bilang “Green Pope,” idineklara niyang moral issue ang pangangalaga sa kalikasan. Sabi ng earthday.com, mula nang pinili niya ang ngalang Francis — ang santong tanyag sa pagmamahal ng kalikasan at mahihirap — inilagay ni Francis ang diskurso sa klima sa gitna ng spiritual discourse. Ito’y dahil kinilala niya na ang climate change crisis ay krisis ng “pagkagahaman ng tao at walang patid na pagkonsumo.”
Pinayagan niya ang pagbabasbas sa LGBTQ couples, humingi siya ng tawad sa mga kasalanan ng Simbahang Katolika sa indigenous peoples sa Canada at sa mga biktima ng sexual abuse ng clergy, siya ang unang Pope na bumisita sa Arabian Peninsula, at mahigpit na yakap ang sumalubong sa mga pinuno ng ibang relihiyong kanyang sinadya.
Hindi siya napagod makiusap ng kapayapaan at pang-unawa sa gitna ng hidwaan at sa kanya ang boses na nangibabaw sa panawagang itigil na ang giyera sa Ukraine at Gaza. Hanggang sa huling mga araw niya sa lupa, lagi siyang tumatawag sa parokya sa Gaza.
Pati mga problemang natatangi sa modernong buhay natin, binigyan niya ng pansin, tulad ng disinformation at manipulation ng artificial intelligence.
Sabi nga sa dokumentaryo ng Rappler, “he was exactly what the Catholic Church needed to survive these turbulent times.” (Siya ang kinailangan ng Simbahang Katolika upang makaigpaw sa sigalot ngayon.) (PANOORIN: A farewell to a radical Pope)
Tinaguriang “People’s Pope,” minahal niya ang mahihirap at nasa laylayan. Tadtad ang paglilibing sa kanya ng kanyang vow of poverty: payak na ataul, paglilibing hindi sa St. Peter’s kundi sa simbahan ng Santa Maria Maggiore na nasa pusod ng komunidad ng migrants, mahihirap, at homeless.
Isinabuhay ni Francis ang pamumunong nagtawid sa mundo sa maraming makadurog-pusong trahedya: giyera, ang pandemya, kalabisan ng teknolohiya, kahirapan, pagkawasak ng kalikasan, at human trafficking at slavery.
Sa kaibuturan ng ating puso, andiyan ang takot ngayong wala na si Pope Francis. Tinatanong natin kung saan tayo kukuha ng tapang harapin ang mga nakalululang problema ng mundo nang hindi siya katuwang.
Paalam Papa Francis. Naway ituloy ng mga Simbahang Katolika ang pamumuno mong wala ‘atang katumbas: mapagkumbaba, makasaysayan, at nagbukas ng pinto sa makabuluhang pagbabago. Ayon sa Nobel laureate at Rappler CEO na si Maria Ressa, isa siyang “moral giant in a world gone crazy.” (BASAHIN: Pope Francis: ‘A moral giant in a world gone crazy’)
Paalam Papa Francis. Nawa’y isapuso ng bawa’t Katoliko ang radikal na pagmamahal mong pamana. – Rappler.com.
How does this make you feel?
Loading