
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Sa pabalat, mukha tayong demokrasya, pero sa buod, pinaghaharian tayo ng fiefdoms — kulang na lang ang titulo para sa mga panginoon.
“They know who to vote for, but they don’t know how they want to be governed.” Ito ang sinabi ng veteran journalist na si Inday Espina-Varona sa isang panel discussion sa Rappler sa araw ng simula ng kampanya sa lokal na antas.

Bago tayo pumalaot diyan, ano ba ang mga datos?
Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, 113 sa 149 na siyudad sa Pilipinas ay pinamumunuan ng political dynasties. Pero hindi pa ‘yan ang buong larawan.
Sa report ng PCIJ, kinausap nito si Dean Dulay, isang a political science professor sa Singapore Management University, na naglabas ng pag-aaral tungkol sa mga dynasties sa Pilipinas. Sabi ni Dulay, habang mas tumataas ang gastos ng Filipino mayors na bahagi ng dinastiya, hindi naman ito nauuwi sa higher economic growth or lower poverty sa kanilang mga lugar.
Dagdag pa niya, nagpapahiwatig ito ng “wasteful spending” — na maaaring nakaugat sa “pure corruption,” o di kaya’y “incompetence.”
In short, wala raw ebidensiya na umuunlad ang buhay natin sa ilalim ng mga dinastiya. (BASAHIN: 113 out of 149 Philippine cities also ruled by political dynasties)
Eto pa, sa 149 city mayors, 56 ay may vice mayor o councilor/s na kamag-anak. Eh papaano nga naman sisitahin ng bise o councilor ang mayor kung magkamag-anak sila?
At asahang mas titindi pa ang ganitong kalakaran sa darating na eleksiyon.
Halimbawa sa Cavite, isa sa pinaka-vote rich na probinsya, halos walang kalaban ang mga Remulla, Revilla, Loyola, Barzaga, Ferrer, at Tolentino. (BASAHIN: 2025 polls in Cavite: Few competitive races, most dynasties have no contest)
Sa pabalat, mukha tayong demokrasya, pero sa buod, pinaghaharian tayo ng fiefdoms — kulang na lang ang titulo para sa mga panginoon.
Sabi ng head ng Digital Communications ng Rappler na si Kaye Cabal, ang mga hot-button issues sa lokal ay hindi ang bangayang Duterte vs Marcos — kundi ang gut issues tulad ng presyo ng bilihin, ang taon-taong baha at disaster, traffic at public transportation, at job security.
Balikan natin ang sinabi ni Espina-Varona: Alam ng mga botante sino ang iboboto, pero hindi nila alam kung paano sila dapat pamunuan.
Popularity at relatability ang batayan nila sa pagboto: sino’ng sikat, guwapo at guwapa, ma-appeal at simpatiko; sino’ng mas malaki ang napamudmod na tulong, sino’ng mas galante?
Sabi pa ni Espina-Varona, kailangang igiit ng mga komunidad ang karapatang magtanong sa kanilang mga pulitiko: ano ang gagawin tungkol sa baha, sa trapiko? Ano ang gagawin upang gawing mas ligtas ang mga lansangan? Ano’ng trabaho ang puwedeng ma-generate sa mga lokalidad? Anong magagawa upang mapababa ang presyo ng bilihin sa palengke?
Simpleng mga tanong — pero akala ‘nyo ba kayang sagutin ‘yan ng bawa’t kandidato? Ang isa ngang aspirant sa pagka-mayor sa Pasig, nang tinanong ng Rappler kung ano ang plataporma — ang sagot ay “Pag-uusapan pa namin sa aming mga caucus.” Ngek. Saan kaya siya kumuha ng tapang (o kapal ng mukha) na tumakbo? Dahil ba sa may malaki siyang negosyo sa construction?
Dumating na sa punto na ang mukha ng labanan ay dynasty vs same dynasty. Tingnan na lang ang Makati.
And speaking of big business, puntahan naman natin ang isang national issue na tumatagos sa lokal. Hindi lang mga dynasty ang naghahari, kundi ang oligarchs (defined as big business leaders with a great deal of political influence.) Paano mapapaunlad ang buhay sa lokal na antas kung ang interes ng big business ang nangingibabaw? Halimbawa na lang diyan ang lopsided conversion ng agricultural land sa subdivisions.
Ang kampanya ay hindi song and dance lang — at hindi ito one-way process. Magtanong, magtanong, magtanong. Ano ba ang gagawin ng mga kandidatong ito upang mapaunlad ang buhay natin, ang ating pamayanan? Paano nila pabababain ang kahirapan? Paano nila titiyaking hindi makukurakot at malulustay ang pera ng bayan? Paano nila pauunlarin ang libreng edukasyon?
Hindi sila panginoon na nagmana ng karapatang mamuno. Hindi natin sila padrino na dapat nating tanawan na utang na loob kapag may nagawa sila para sa atin.
Lingkod-bayan sila at tayo ang kanilang amo. – Rappler.com