Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
![[EDITORIAL] China wants to change status quo via racist video](https://www.rappler.com/tachyon/2026/07/animated-china-daily-ai-monkey-video-july-20-2026-carousel.jpg)
Sabi ng Chinese foreign ministry, the video 'does not represent the government position.' Hindi ba alam ng kanang kamay ng Communist Party of China ang ginagawa ng kaliwang kamay?
Kanal na kanal ang bagong propaganda ng state-run media outlet na China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino na unggoy.
Hindi ito lehitimong political debate — sabi nga ng Department of Foreign affairs, ito’y “demeaning, dehumanizing, and racist.”

Talagang inabandona na ng China Daily ang pagpapanggap na ito’y propesyonal na organisasyon at pumalaot na sa dehumanization campaign.
Kapag dumausdos ang isang ahensyang may basbas ng estado sa caricatures upang alipustahin ang isang bansa, hindi ito pagpapamalas ng otoridad — imbes ipinapakita lamang nito ang bangkaroteng moralidad ng mga nagpapatakbo rito.
Sabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lin Jian, the video “does not represent the government position.”
Sinasabi ba ni Jian na hindi alam ng kanang kamay ng Communist Party of China ang ginagawa ng kaliwang kamay? Wala na sigurong sing-monolithic pa na sentralisadong liderato sa balat ng lupa tulad ng Tsina. So, Mr. Jian, hindi lusot ang palusot mo.
Pero lumilinaw ang konteksto ng nakasusukang diskarteng ito kapag sinuri sa kabuuan. This is a calculated exercise in opportunism — na dinisenyo upang subukin ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos na ngayon ay abala sa giyera sa Middle East. Batid ng Tsina ang credibility gap ng US sa pandaigdigang entablado at tila nakakita ito ng strategic opening.
Halimbawa ang pagtindi ng landfill activity sa Antelope Reef sa Paracel Islands, na inaangkin ng Vietnam, China, at Taiwan. Meron pa ngang China scholar claims na sa Tsina rin daw ang ilang isla sa Batanes.
Isa lamang ang AI-generated video sa kampanyang maghasik ng galit, pahinain ang alyansang Philippines-US, at baguhin ang status quo sa Asya habang nakatitig ang buong mundo sa Middle East.
Bakit ngayon inilabas ang ganitong propaganda? Ngayon ang 10th anniversary ng landmark 2016 arbitral award ng UNCLOS. Sinab ng hatol na walang batayan sa international law ang nine-dash line ng Tsina. Pinagtibay ng legally binding na arbitral ruling ang sovereign right ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.
Sabi nga ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, forever ito kung pangangalagaan natin. (BASAHIN: [OPINION] The Arbitral Award is forever, unless…)
Siyempre, hindi kinikilala ng Tsina ang ruling na ito, na tinatalima ng mahigit ‘sangdosenang bansa kasama ang US, Japan, at European Union.
Hindi ito simpleng pang-iinsulto ng isang makapangyarihang superpower — isinasalarawan nito ang dalawang magkasalungat na pananaw sa rehiyon: ang “rule of law” versus ang “might makes right.”
Desperadong taktika ito ng isang sangganong naubusan na ng legal arguments at tinalikdan na ang katuwiran para sa bigotry.
Nakikiisa ang Rappler sa panawagang i-take down ang video na ito, dahil walang lugar ang racism sa pampublikong talakayan.
Sa bandang huli, hindi mabubura ng ilan mang AI-generated propaganda ang mga katotohanang ipinagtibay ng 2016 aribtral award. Tigilan na ang pang-uunggoy! – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading

2 days ago
8


