
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Nang ikuwento ng isang taga-Cavite ang katawagan sa PrimeWater sa kanilang lugar – CrimeWater – sabi ng mga nakarinig: DASURV
Mahaba ang listahan ng apektadong mga lugar ng palyadong serbisyo ng PrimeWater: Mula Angeles at San Fernando sa Pampanga, Bulacan, hanggang sa Leyte at Bacolod City, at maging sa dulong katimugan sa Malaybalay, Bukidnon.

Bakit nagtaglay ang mga Villar na may-ari ng PrimeWater ng ganitong kapangyarihan sa isang basic human need?
Noong 1990s, nasilip ng negosyanteng si Manny Villar Jr. ang isang ginintuang pagkakataon: inexpand niya ang business empire sa pamamagitan ng pag-take over ng water treatment and distribution sa mga siyudad at probinsiya sa labas ng Metro Manila, gamit ang joint venture agreements sa regional water operators.
Sa ilalim ng public-private partnerships (PPP), nakopo ng PrimeWater ang kontrol sa distribution ng tubig nang walang kamalay-malay ang mga consumer sa lokal na antas. Basahin dito kung paano exactly nagawa ito: [Vantage Point] Taps go dry with expensive, inefficient PrimeWater service
Sabi ng Rappler columnist na si Val Villanueva, ang suma-total: hindi lang sablay sa responsibilidad na maghatid ng tubig, pumalpak din ang gobyernong i-regulate at gawing accountable ang pribadong sektor na tumatabo ng bilyon-bilyon sa mga kasunduang ito.
Nauugat ito hindi lang sa lopsided na mga kontrata, kundi sa kung papaano naka-set up ang regulation at kontrol sa mga water concessionaires. Sa ilalim ng PPP setup, walang power ang LWUA, o Local Water Utilities Administration, dahil nilimita ng NEDA o National Economic and Development Authority ang papel nito sa pagiging isang observer lamang sa mga negosasyon.
Ayon sa sources ni Villanueva, in-offeran ng private operators ang water district officials at empleyado ng retirement packages. Pagkatapos ay nire-rehire sila ng private operator. Ang mga nakaupong district officials naman, “binibigyan” ng milyones upang maging bukas sa joint venture. Kasama sa “panliligaw” ang mayor, governor, at congressman. Litaw na litaw ang ulo ng halimaw ng korupsiyon sa buong proseso.
Huwag kalimutan ang malalang conflict of interest issues dito. Ang LWUA, isang government-owned and -controlled corporation (GOCC) ang may kapangyarihan sa mga water districts — hindi ang lokal na pamahalaan — at ang LWUA ay nasa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Noong nag-take over ang Primewater bilang concessionaire ng napakaraming water districts, si Mark Villar ang nakaupong kalihim ng DPWH. At sino ang boss ni Villar noon? Walang iba kundi ang Godfather ng napakaraming kabuktututan sa bansa ngayon: si Rodrigo Roa Duterte. Siya ang ultimate enabler ng PrimeWater.
Kaya’t nang ikuwento ng isang taga-Cavite ang katawagan sa PrimeWater sa kanilang lugar — CrimeWater — sabi ng mga nakarinig: DASURV. Kriminal ang pagsasamantala, pagpapayaman, kapabayaaan, at incompetence.
Paano sisingilin sa balota ang PrimeWater? Sabi ni Rappler Managing Editor na si Miriam Grace Go, may tatlong hakbang diyan.
- Una, iboto nila ang mga lokal na kandidato na kayang panagutin ang PrimeWater.
- Pangalawa, iboto ang senatorial candidates at party-list groups na makapag-iimbestiga at makapagpapanagot sa PrimeWater.
- Pangatlo, “katulad ng ikinakampanya ng people’s organizations sa Bulacan, maaaring hindi nila iboto si Camille Villar sa senatorial contest.”
Election issue ang tubig. At vote-rich ang Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija. Ito rin ang mga probinsiyang dumaranas ng palpak na serbisyo ng PrimeWater.
Gamitin natin ang kapangyarihan ng balota. Huwag magluklok ng lingkod-bayan na kukunsinte, o nakipagsabwatan sa mapagsamantalang water concessionaire.
Huwag magluklok ng pulitikong walang malinaw na pangako sa water crisis ng mga lalawigan. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading