Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
Already have Rappler+?
to listen to groundbreaking journalism.
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
![[EDITORIAL] Ang kaligtasan (sana) ng kaluluwa ni Zaldy Co](https://www.rappler.com/tachyon/2026/04/animated-Zaldy-Co-arrrest-April-20-2026-carousel.jpg)
Mahalagang sangkap si Zaldy Co sa pagsisikap ng sambayanang matuklasan ang katotohonan sa likod ng flood control corruption
Naaresto na si Zaldy Co, ang dating chairman ng makapangyarihang House Appropriations Committee. Nakadetine siya sa Prague, Czech Republic ngayon.

“We are working towards his deportation to the Philippines.” ‘Yan ang sabi ni ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Sabi naman ni Rappler reporter Jairo Bolledo: Arresting is one thing, sending Co back to the Philippines is another.
At sa gitna ng lahat ng ito, masisilip ang isang bad habit ng mga tao ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. — mahilig sila sa premature announcements at minsan tuloy, inaccurate ang impormasyon. Mahalagang matigil ang ganitong kalakaran dahil lalong mawawalan ng tiwala ang taumbayan sa gobyerno kung panay papogi lang.
Mahalagang makabalik si Co sa bansa upang bigyang liwanag ang mga alegasyon niya sa video na alam daw at nakinabang si Marcos Jr. sa mga kickback mula sa flood control infrastructure projects — kung saan crucial step ang budget insertion ni Co.
Ayon kay Co, nagremita siya ng P25 billion kay Marcos. Itinanggi na ito ng Malacañang.
Poisoned source daw si Co dahil bilang pugante, retaliatory lang sasabihin niya. Idadawit daw niya lahat upang mapalabnaw ang papel niya bilang arkitekto umano o nexus ng lahat ng korupsiyong umuusbong sa budget.
Habang ine-expect nating magiging self-serving ang narrative ni Co — at kita ito sa mga binitiwan niya sa video — isang bagay lang ang kailangan niyang gawin upang maging credible witness: maglabas siya ng konkretong ebidensiyang susuporta sa mga kuwento niya.
Isang bagay ang matingkad ngayon: halos walang naniniwalang sa Zaldy Co ang pinaka-big fish sa biggest corruption scam of the decade. The trail likely does not end with him; some even say that trail leads to Malacañang.
Ramdam natin na excited ang administrasyong Marcos sa pagkakatiklo kay Co sa Prague. Tinitingnan ba nila ito na pagkakataong mangibabaw ang kanilang spin?
Ano ang alam ni Marcos sa engrandeng sabuwatan na humigop sa tinatantiyang P118.5 billion sa ekonomiya? Ano ang naging papel ng kanyang pinsan, si Martin Romualdez, na dating House speaker? Believable ba na hindi sangkot si Martin?
Asahan na natin ang damage control at narrative wars, kasama na rin ang disinpormasyon sa pagbabalik ni Zaldy Co, kahit na matatagalan pa ang prosesong ito.
Pero ang hindi sana matabunan ay ito: ang pagbabalik ng transparency at accountability sa buong gobyerno; ang pagrereporma ng mga prosesong puno ng butas na sinamantala ng mga kawatan; ang paglilinaw ng kahulugan ng conflict of interest — at paano mababantayan ang mga paglabag dito.
Higit pa sa kung sino ang ikakanta niya, kailangang matuto tayo mula sa scam ni Zaldy Co dahil dito mabubunyag ang mga kahinaan ng sistema.
Sa bandang huli, ayaw man niya o hindi, mahalagang sangkap si Zaldy Co sa pagsisikap ng sambayanang matuklasan ang katotohonan sa likod ng flood control corruption. At kung interesado siyang isalba ang kaluluwa niya, ito na ang pagkakataong makamit ang kaligtasan o atonement. – Rappler.com
How does this make you feel?
Loading

4 days ago
6


