Donita Rose at Felson Palad, handa bang manatili na sa Pilipinas?

1 week ago 6
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn

Showbiz News donita rose and felson palad

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang mag-asawang sina Donita Rose at Felson Palad para dalawin ang pumanaw na ina ng huli.

Isa si Donita Rose sa celebrities na nag-migrate sa ibang bansa nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.. Doon, nakilala niya ang asawa na niyang si Felson Palad.

Ngayon na halos limang taon na sila sa Amerika, handa na ba silang bumalik at manatili sa Pilipinas? Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 11, sinagot nina Donita at Felson ang tanong ni King of Talk Boy Abunda.

“Sa amin pong dalawa, we always pray that God will open doors that no one can shut and close doors that no one can open. If that is the leading of God, then we will do that. Susunod lang kami,” sagot ni Felson.

Dagdag pa ni Donita, mas madalas na silang uuwi ngayon sa Pilipinas.

BALIKAN ANG MAGANDANG KASAL NINA DONITA AT FELSON SA CALIFORNIA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, naging abala din si Felson sa ilang mga performances at concerts niya sa Amerika. Sa katunayan, isa sa mga huling nakasama nila sa concert ay si Soul Diva Jaya.

Pabirong dagdag ni Donita, “You know, it just happens that day, I lost my voice so nag-MC na lang ako. Ayaw talaga ni Lord. Sabi ko, 'Ba't ganu'n?' So meron akong mga repertoire ngayon."

Ang susunod daw na makakasama nila sa isang concert ay ang batikang singer na si Kuh Ledesma.

Kuwento ni Felson, nasa Pilipinas sila ngayon ni Donita dahil simula nang pumanaw ang kaniyang ina noong 2020 ay hindi pa siya nakakadalaw o nakakapagluksa man lang.

“Well, namatay ' yung mommy ko, 2020 and I wasn't able to mourn. So, this time around, I get to mourn. But, we're happy, my family and I, because we know where she is at right now,” sabi niya.

Dagdag pa nito, isang buwan lang silang magtatagal sa bansa bago bumalik sa Amerika.


Read Entire Article