Dingdong Dantes surprised by his kids' "wish list" on Easter Sunday

3 weeks ago 6
Suniway Group of Companies Inc.

Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!

Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.

Visit Suniway.ph to learn


Gulat at proud ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa “wishlist” ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto nang gawin nila ang isang family tradition o ritual nitong nagdaang Easter Sunday.

Sa post ni Dingdong sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng Kapuso Primetime King ang isang tradisyon nila ni Marian, na kanilang ginawa kasama ang kanilang mga anak ngayong taon.

“On Easter Sunday, we found ourselves under a tree by the lake. It's a ritual Marian and I have quietly kept for years--writing down our dreams and intentions before each new year begins,” caption ni Dingdong sa kaniyang post.

Wika ng aktor, tinawag nila itong “wish list,” mga hopes and dreams ng mga anak nila para sa future, para sa kanilang sarili, at para sa isa't isa. Pag-amin ni Dingdong, nagulat siya sa hiling ng dalawa nilang anak.

“No toys. No faraway places. Just the purest things: time together. More presence. Taking care of one another. Helping others. It made us pause. Because sometimes, in the middle of all the doing and chasing, you forget what's already here,” sulat ng aktor.

TINGNAN KUNG PAPAANO IPINAGDIWANG NG IBANG KAPUSO CELEBRITIES ANG EASTER SUNDAY SA GALLERY NA ITO:

Pagpapatuloy pa ni Dingdong, “It made us pause. Because sometimes, in the middle of all the doing and chasing, you forget what's already here. And maybe that's all we need every now and then--a quiet pause, a bit of space, a moment to listen to each other and remember what really matters.

Dagdag pa ng aktor ay naging mas meaningful ang kanilang Easter Sunday, na itinuturing niyang “day of resurrection, reflection, and hope,” na mapaalalahanan kung ano talaga ang importante sa buhay.

Samantala, balikan ang intimate 10th wedding anniversary celebration nina Dingdong at Marian dito:

Read Entire Article