David Licauco, kumita ng 50 million sa isang taon?

8 hours ago 4

Namamayagpag ang showbiz career ni Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco ngayon.

Kasabay nito, pinagsisikapan din niya ang iba't iba niyang mga negosyo.

Nasa industriya ng food and beverage ang mga negosyo ni David. May tatlong branch na ang kanyang Korean-style fast food brand na Kuya Korea, habang dalawa naman ang branches ng kanyang restaurant ng Sobra Cafe.

Bukod dito, mayroon din siyang "sideline" na construction.

Sa interview ni David sa "Izkul of Diskarte," ibinihagi niya ang challenges ng pagnenegosyo, lalo na at kasabay nito ang kanyang pag-aartista.

Pero tila pinagpawisan kaagad siya sa simula pa lang ng interview. Natanong kasi si David kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa isang taon sa pinaghalong showbiz at negosyo.

"Ang hirap ng tanong mo pare ah," natatawang sagot ni David at pinahula na lang niya ang halaga.

Sa hulang Php 10 million at Php 30 million, sinabi niyang mas mataas pa dito. Inamin niyang nasa range ng Php 50 million ang pinakamalaking kinita niya pero hindi na nagbigay si David ng eksaktong halaga.

Inamin din ni David na ang pinakamalaking challenge para sa kanya ngayong bilang isang negosyante ay ang paghahanap ng tamang tao na magiging katuwang niya sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo.

"Ito actually 'yung pain point ko sa pagnenegosyo, especially now na 'yung showbiz ko is up there and business ko is going up also. Before kasi, I was used to doing everything, halos lahat. Ako [sa] marketing, operations, finance, kausap ng suppliers, purchasing," paliwanag niya.

"But now of course I'm in this macro state na I have to start delegating and it's been a problem of mine kasi medyo perfectionist ako. I tend to micromanage, so what I'm trying to learn is become a leader," pagpapatuloy ni David.

Panoorin ang kanyang interview dito:

Nakatakdang mapanood si David Licauco sa upcoming GMA Pictures film na Samahan ng mga Makasalanan.

Gaganap si David Licauco dito bilang isang baguhang pari na matatalaga sa isang bayan na puno ng sugarol, magnanakaw, chismosa, at sex workers.

Mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan simula April 19.

Panoorin ang teaser ng pelikula dito:

RELATED CONTENT: Take a look at more of David Licauco's photos that prove he is a chill guy in this gallery:

Read Entire Article