
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn

Simula ngayong February 10, makikilala na ang mga bagong karakter na magpapakilig, magpapaiyak, at magpapasaya tuwing hapon via 'Binibining Marikit.'
Ito ang pagbabalik ni Herlene Budol sa GMA Afternoon Prime matapos ang mahigit isang taon.
Hindi lang kilala ang komedyante sa pagpapatawa, kundi rin sa drama. Patunay riyan ang sinubaybayang revenge-drama series niyang 'Magandang Dilag' na unang soap opera niya sa GMA.
Sa bagong serye niyang 'Binibining Marikit,' kakaibang role naman ang gagampanan ni Herlene na lalabas bilang Ikit, isang tour guide at vlogger na ipinagmamalaki ang tribo niyang Dumagat-Remontado.
Mapapanood din dito ang 'TiktoClock co-host at kapwa niya Rizaleno na si Pokwang, gayundin sina Tony Labrusca at Thai-Irish model and Manhunt International 2024 Kevin Dasom.
Alamin sa gallery na ito kung sino-sino pa ang mga artistang mapapanood sa 'Binibining Marikit' at ang kanilang mga role sa upcoming GMA drama.