Maraming salamat sa bawat pamilyang tumanggap at nakipag-usap sa atin sa Krus na Ligas (KNL) sa Quezon City!
Noong 1988, dito po sa KNL nagsimula ang ating kampanya para makapaglingkod-bayan bilang pinakabatang konsehal ng QC.
Ngayon, muli tayong bumalik upang simulan ang kampanya sa Senado—kumakatok sa bawat tahanan, nakikinig sa bawat hinaing, at naninindigan para sa mas mababang presyo, tapat at totoong pamamahala, at mas maunlad na Pilipinas! 💚🇵🇭
Source: Kiko Pangilinan