
Upgrade to High-Speed Internet for only ₱1499/month!
Enjoy up to 100 Mbps fiber broadband, perfect for browsing, streaming, and gaming.
Visit Suniway.ph to learn
As far as I know, wala akong utang kay PLDT. Regularly akong nagbabayad ng monthly bill sa loob ng tatlong taon. Nagpakabit ako ng internet sa bahay namin sa probinsya during the pandemic at dahil lumipat na ako ng trabaho ay naiwan na ang bahay ng lola ko na wala na namang nakatira at wala ring ibang gagamit ng wifi.
Normal kay PLDT na i-disconnect ang service ko after one month ng hindi pagbabayad. Usually, binabayaran ko ang bill para ma-reconnect ko kapag holidays at kapag nagkakaroon ng get together ang buong pamilya sa ancestral house para lahat ay may internet access.
Since lumipat na ako ng trabaho sa Manila at wala nang gumagamit sa bahay, hinayaan ko na lang ma-disconnect. Last December, ipapa-reconnect ko sana dahil may mga bisita na naman sa bahay pero ang sabi, terminated na daw ang account ko. Sinubukan kong i-log in ang account ko at hindi na nga nag-a-appear ang name ko under my PLDT account number. Isa pa na nasira ng bagyong Christine ang linya na nagko-connect sa bahay namin kaya hindi ko na rin pinag-aksayahan pa ng panahon. At saka, malaking sayang na magbayad ng monthly pero walang gumagamit.
Hanggang sa nakatanggap ako ng ganitong email. Hindi sila mismong PLDT pero may pagbabanta na kakasuhan ako. At nagulat ako sa closing balance ko. Nung huling check ko sa portal, hindi ganito kalaki ang outstanding bill ko, tapos ngayon, may “other charges” na nagto-total sa 11k. Grabe naman ‘to. Hindi ko na nga napakinabangan ‘yung mga ilang buwan na binabayaran ko ‘yung mga balanse ko, makakasuhan pa ako.
Please pahingi po ng payo. Salamat po.